Media Day, Inilunsad ng IRRI; Gutom at Malnutrisyon, Panatang Susugpuin

PINANGUNAHAN NG International Rice Research Institute (IRRI) katuwang ang Department of Agriculture – Agriculture and Fisheries Service (AFIS), Department of Health- National Nutrition Council at Department of Science and Technology – Science and Technology Information Institute (STII) ang opisyal na pagsama ng IRRI sa pagdiriwang ng International Year of the Rice kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Sa pambungad na pa-nimula ni Bruce Tolentino, Deputy Director General for Communication and Partnerhip ng IRRI tungkol na reserach and development facility na nakabase sa Pilipinas, kabilang ang pakikilahok ng 32 bansa. Ilan sa bago saliksik ang 3 in 1 green super rice na akma sa sobrang init, tagtuyo, baha at salinity o ‘yung may asin sa tubig. Ang unpolished rice kahit hindi brown tulad ng pula at itim ay kategorya pa rin ng brown rice.

Kasalukuyang dine-develop ang pinggang pangkalusugan na may kasamang kanin, may nutrisyon para sa bawat Pinoy depende sa timbang ang ilan sa ibinahagi sa presentasyon ng assistant secretary of health and executive director IV, National Nutrition Council.

Ang hindi pag-aaksaya ng bigas, ang pagkain ng brown rice at ang pagbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa nutrisyon at gutom ang naging panata ng mga mamahayag na dumalo.

(MJ Balaguer)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.