Media Blackout sa Pagpili ng Bagong Santo Papa, Pinag-aaralan

IKINOKONSIDERA UMANO ng mga cardinal ang pagpapatupad ng media blackout sa kasagsagan ng pagpili nila ng petsa para sa conclave o ang paghalal sa magiging bagong Santo Papa.

Base sa impormasyon, ito ang napagkasunduan ng mga cardinal na dumadalo sa closed-door discussions ng kanilang pre-conclave.

Ito umano ang dahilan kung bakit sinimulan nang makansela ang daily press briefings ng US cardinal na kadalasang nagbibigay ng crucial insights tungkol sa inaabangang conclave.

Ang pagpapatupad ng news blackout ay kasunod ng pagkakabunyag sa isang Italian newspaper ng ilang sikretong diskusyon patungkol sa mga problema at kontrobesyang pinagdaraanan ng Simbahan gaya ng child sex abuse.

Sinabi ni Vatican spokesman Rev. Federico Lombardi na nararapat lang na maging sikreto muna ang mga detalye sa pre-conclave meetings bilang bahagi ng banal na proseso sa pagpipli sa susunod na Santo Papa.

Kamakailan ay isinara na ng Vatican sa mga turista ang makasaysayang Sistine Chapel, kung saan tradisyunal na ginagawa ang naturang conclave.

Samantala, ang pagpapasara sa chapel ay bahagi ng paghahanda sa conclave kung saan agad na sisimulan ang paglalagay ng false floor sa loob ng simbahan upang hindi uubra ang anumang bugging devices.

Ilalagay na rin ang stove kung saan sinusunog ang mga balota.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.