Media Absentee Voting, Kasado na

NAGPALABAS NA ang Commission on Elections (Comelec) ng resolusyon na pumapayag sa media absentee voting.

Sa Comelec Resolution 9637, puwede nang bumoto ang mga kasapi ng media sa regional election office kung ang mga ito ay nakabase sa National Capital Region (NCR), sa office of the city election officer kung nasa highly-urbanized at independent cities, at sa provincial election office para sa mga taga-lalawigan.

Para makaboto, kai-langang maghain ng media ng aplikasyon hanggang sa Marso 31.

Samantala, tatlong araw ang itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para sa media absentee voting na isasabay sa iba pang local absentee voting tulad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Abril 28 hanggang 30.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.