“Meant To Be” star Ivan Dorschner, hinangaan ng Uber driver sa pagiging marespeto

 alt=

BUMILIB ang isang Uber driver sa pagiging sobrang galang at marunong rumespeto na kanyang pasahero na hindi niya inakalang ang “Meant To Be” star palang si Ivan Dorschner.

Saludo ang Uber driver na si Arnold Medina sa pagiging marespeto ng “Meant To Be” star na si Ivan Dorschner.

Ayon sa driver ng nasabing transportation network company na si Arnold Medina, pagbukas pa lang ng pinto ng kanyang sasakyan, agad na siyang binati ng “good evening” ng isa sa mga bida ng teleserye sa GMA. Agad din umanong humingi ng paumanhin sa kanya si Ivan sa hindi niya pag-reply sa text ng driver dahil sa kawalan ng signal sa loob ng elevator.

Sabi driver sa kanyang post sa Facebook account ng Uber Pilipinas, “(P)agbukas pa lang ng pinto ng sskyan nag gudeve at nang sorry dahil nde daw sya makareply sa text wala daw signal sa elevator.”

Ini-offer din umano ni Ivan ang kanyang cellphone para siya na mismo ang mag-Waze para sa driver nang mawala ang Waze signal ng driver.

Anang driver na si Arnold, “(N)awala signal ko sa waze bigla inoffer celpone nya at sya mismo nagwaze para sakin.”

Hanga rin ang driver sa paghingi ng sorry ng Kapuso actor kapag may pagkakamali at sa madalas na pagsasabi ng “po” sa tuwing magsasalita.

“(P)agdating sa destination wrong pin pla nagsorry na namn.panay ang “po” tuwing nagsasalita.” Dagdag pang kuwento ng driver.

Nalaman lang umano ng driver na artista ang kanyang pasahero ng tanungin niya ito. “(T)inanong ko sya sir artista po ba kau? Sabi nya.opo sir sa gma aq may telesrye kme meant to u wid barbie forteza.”

Dahil sa nga sa ipinakitang kababaan ng loob at pagiging marespeto, saludo umano ang driver sa young actor.

Aniya, “(S)aludo aq sau sir ivan dorschner good luck and god bless you.”

#meant to be# napabilib aq sa rider na ito sobrang galang at marunong rumespeto sa driver nde ko akalain isa palang…

Posted by Arnold Medina on Tuesday, April 11, 2017

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.