Meagan Young, nagbunga ang pagtitiyaga

HABANG PATULOY na nananahimik si Bianca Manalo tungkol sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni John Prats, ang dami-dami ring ibang tao na nadadamay sa kanilang hiwalayan. Isa sa mga nadadamay ay si Angelica Pa-nganiban.  Magkasama kasi dati sina Angelica at John sa gag show na Banana Split ng ABS-CBN, at naituturo raw na dahilan ng pagseselos ni Bianca ay kung bakit parang mayroong kakaibang closeness sina John at Angelica.

Marami namang hindi naniniwala na pupuwedeng sobra pa sa closeness dahil sa samahan nila sa show ang namamagitan kina John at Angelica. Kasi nga, matagal nang magkakilala sina John at Angelica, dahil nu’ng hindi pa nagkakaintrigahan ang magandang aktres at ang sister ni John na si Camille Prats nang dahil sa isang actor na parehong na-link sa kanila, dati na talagang maganda ang samahan nila bilang magkakaibigan.

Kung ilalabas daw naman ang pa-ngalan ni Angelica sa mga pinagseselosan ni Bianca, mayroon pa ngayong isang lumulutang na dahilan. Sa pangyayari na si John daw ang unang kumalas, marahil daw ay dahil sa pagtataray umano ni Bianca sa actor. Ang magkapatid kasing John at Camille ay hindi sanay na tinatarayan at minumura, dahil likas na matatahimik ang kanilang pamilya, na hindi uso ang murahan at tarayan. Ayaw raw ni John sa babaeng bungangera.

 

ISA SI Meagan Young sa hanay ng mga artistang nanggaling sa ibang network pero sinuwerte sa bakuran ng ABS-CBN.  Napapanood siya ngayon sa teleseryeng Hiyas ng Kapamilya Network. Maipagmamalaki ng Star Magic ang mga katulad ni Meagan, dahil bukod sa star material naman siyang talaga, magiliw siya sa mga tao. Kahit taglay niya ang kagandahan at height na pang-beauty contest ay napakasimple niya at walang yabang sa katawan.

Matiyaga si Meagan, dahil ilang taon na rin naman siyang nagsisikap na mapansin sa showbiz, pero naghintay lang talaga siya ng tamang panahon. “Happy lang naman po kasi ako na nasa showbiz ako. Gusto ko rito. Kaya lang, hindi ko po ipagpipilitan ang sarili ko kung wala namang mangyayari. Kaya kung ano pa po ‘yung mga pupuwede kong gawin para gumanda ang career ko ay ita-try ko pong gawin,” wika ng magandang young actress.

Nanggaling si Meagan sa GMA-7 at ang ka-loveteam niya noon ay isang guwapong bagets na hindi man lang napansin sa showbiz, kaya ngayon ay hindi na nababanggit man lang ang pangalan. “Nagpapasalamat siyempre ako sa ABS dahil binigyan nila ako ng pagtitiwala na ganito na mabigyan ng malaking project. Nagbago na siyempre ang takbo ng career ko. Noon kasi, kapag iniinterbyu ako kung anong project ko, wala halos akong masabi, kasi lagi lang akong naghihintay ng project. Sulit naman ‘yung mga paghihintay ko, dahil natutupad na nga-yon ang mga gusto ko para sa career ko,” wika pa ni Meagan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

4 thoughts on “Meagan Young, nagbunga ang pagtitiyaga

  1. in fairness d ko mantndhan kung bakit natagalan ang pag ka canned dian sa hiyas eh ang ganda nman pala..dapat non pa na ipalabas na xa agad.. yung isang babae dun na mukhang chimy ay hinde nakahintay kaya yun may i fly na sa gme.. kung d lang nakakahinayang sana nag reshoot  na lang ang hiyas para wala na dun yung walang kwenta na yun!!! mercedes cabral ata yun na d nakahintay kaya yun asa gme na sa luna blanca daw

    • Agree, pang Hollywood ang beauty nya……. And she is very humble sa mga interview nya. Maski walang make up, maganda pa rin. Nakit nyo ba yong mga pictures ng artista with and without make up? Napanood ko sa youtube and I think the pamagat is “MGA ARTISTA KAPAG WALANG MAKE UP which is uploaded by ArRtsYbiTcHy. They featured a lot of artists there, Ruffa (she did not look regal, parang simply lang) , Antonette Taus (daming freckles), Pia Guanio (she looked so plain parang hindi artista, parang kagaya lang natin, Marian (she looks pretty even without make up, Kristine Hermosa (she is beautiful even without make up) . Si Marian at Kristine lang yata ang maganda doon maski walang make up. Si Angel Locsin, okay lang, si Bianca King, maganda rin maski walang make up, si Andrea del Rosario, parang plain lang kung walang make up, Si Camille Pratts, cute pa rin maski walang make up, si Carmina Villaroel misteza pa rin tingnan maski walang make up, Ethel Booba, attractive ang dating maski walang make up, si Heart okay lang ang dating, At yong iba like Sharon, Kris, Aiko, Toni, Regine, at yong iba pa , mga normal lang pala sila tingnan kapag walang make up, so ordinary looking like us, parang hindi mga artista.

      • But again beauty is in the eye of the beholder, kaya yong opinion ko ay iba sa opinion ng ibang tao. Kanya kanya lang kasi yong taste ng tao. At baka rin sa resulta din yon sa pagkakuha ng mga pictures kasi mayroong maganda sa personal pero hindi naman photogenic at may mga photogenic naman na hindi maganda sa personal.