McCoy de Leon, sobrang na-inspired sa ginagawa ni Coco Martin sa Ang Panday

Coco Martin and McCoy de Leon

HUWAG ninyong isnabin, pero bukod sa drama at paggawa ng romcom ay gusto rin palang  maging action star nitong si McCoy de Leon. Nagsimula raw ito nang maging bahagi siya ng pelikulang Ang Panday na prinodyus, idinidirek at pinagbibidahan ni Coco Martin.

 Aniya, “’Yung action naman para sa akin gusto ko na talaga dati pa po. Sabi ko nga nandiyan ‘yung mga role na komportable ako kaya excited nga ako na natanggap ko ‘yung role na ‘yun,” sambit ng binata na isa rin sa mga bida ng seryeng The Good Son na magsisimula ang airing sa Sept. 25.

Eh, kumusta naman ba ang karanasan niya working with Coco sa Ang Panday?

“Napaka-inspiring po kasi kasi hindi lang siya bilang direktor, nakita ko siya bilang aktor, bilang malikhain na tao. Sobrang talino, sobrang sipag.

 “Actually, wala akong masasabing flaws sa kanya kasi nakita mo talaga, ‘yung gusto talaga niya ginagawa,” kuwento niya.

Hindi naman itinanggi ni McCoy na dahil nga sobrang na-inspired siya kay Coco ay gusto rin daw niyang maging kagaya nito balang araw.

Aniya, “Marami pa po akong dapat patunayan kaya ito nagpupursigi ako muna na matuto pa, kaya sobrang layo pa siguro non,” pahayag pa ni McCoy.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “McCoy de Leon, sobrang na-inspired sa ginagawa ni Coco Martin sa Ang Panday

  1. Pingback: McCoy de Leon, sobrang na-inspired sa ginagawa ni Coco Martin sa Ang Panday | Pinoy Showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.