Mayweather, ‘Di Napatumba ni Alvarez

KATULAD NG inaasahan, naging madali para kay American pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., ang naging laban nito kay WBC/WBA world light middleweight champion Saul Canelo Alvarez.

Nagtala ng “one-sided” na panalo si Mayweather via majority decision laban sa Mehikano sa kanilang super welterweight bout.

Mula sa opening bell, dinomina ng undefeated na si Mayweather ang tempo ng laban.

Lamang din ang mga “veteran’s move” ng 36-anyos na si Floyd kung ikumpara sa pagiging agresibo ng 23-year old na si Alvarez.

Napanatili ni Mayweather ang malinis na  45-0 record sa iskor na 114-114, 116-112 at 117-111.

Bago pa man ang nasabing laban, maraming mga boxing experts na ang naniniwala na mangugnuna pa rin sa naturang bakbakan si Mayweather sa pamamagitan ng puntos.

Matatandaan na noong 2007 ay na-knockout ni Mayweather si Hatton sa 10th round para tuldukan ang kanyang unbeaten record.

Samantala, tinawag pa ni Hatton na “master of defense” si Mayweather pagdating sa ibabaw ng ring.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.