Mayor’s Office sa Iloilo City, Nilooban

UMAABOT SA P22,000 ang nasabat ng mga magnanakaw na pumasok sa extention office ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa Iloilo Terminal Market.

Ang extention office ng alkalde ay nasa ikalawang palapag ng market building sa De Leon St. ng nasabing lungsod.

Ayon kay retired colonel Felix Mochada, executive assistant ng alkalde, ang ninakaw na pera ay kinuha ng mga suspek sa vault na nasa steel cabinet.

Maaaring may dalang kagamitan ang mga suspek kaya’t nagawang buksan ang vault.

Dumaan umano ang mga salarin sa bintana ng katabing tanggapan ng People’s Law Enforcement Board. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.