Mayor Tiangco, haharapin ang kasong Graft

HANDANG-HANDA SI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco na harapin ang kasong graft na isinampa dito sa Office of the Ombudsman kasabay ng pagsasabi nito na ang lahat ng transaksiyon ng kanyang administrasyon ay dumaan sa tamang proseso.

Ayon kay Tiangco, handa silang patunayan na mali ang paratang sa kanila kaugnay sa isinampang kaso ni Jose Ruiz, Jr. dahil umano sa paglabag sa RA 3019 hinggil sa P60 bil-yong reclamation project ng lungsod.

Bukod dito, tumanggi muna ang kampo ni Tiangco na magbigay pa ng ibang pahayag dahil ayon na rin sa alkalde ay hindi pa nagkakaroon ng “official communication” ang kanyang tanggapan sa Office of the Ombudsman.

Tiniyak pa ng alkalde na ang lahat ng transaksiyon ng lokal na pamahalaan ay dumaan sa tamang pro-seso. “All these are being done for the interest and welfare of all residents, no more no less,” sabi pa nito.

Matatandaang kamakalawa nang maglabasan sa iba’t ibang pahayagan na nahaharap sa kasong Graft si Tiangco at ang mga konsehal matapos na maglabas ang mga ito ng resolusyon na nagkakansela sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa P6 bilyong reclamation project na pinirmahan sa pagitan ng 1st Seafront Renew, Inc. at ni dating Navotas City Mayor Toby Tiangco na kapatid ng kasalukuyang alkalde. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.