Mayor sa Iloilo, inakusahan sa P2-M kickback

ILOILO CITY – MARIING itinanggi ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang akusasyon laban sa kanya kaugnay sa umano’y panghihingi nito ng P2 milyong kickback.

Ito ay may kaugnayan sa planong gawing tambakan ng basura ng lungsod ang sanitary landfill sa Passi City na nasa ikaapat na distrito ng Iloilo.

Isang kumpanyang Greenzone ang nagsagawa ng pag-aaral sa nabanggit na plano at ayon sa may-ari na si Romel Ynion, nanghingi umano sa kanya ng P2 milyong kickback ang alkalde kapag nakuha ng kanyang kumpanya ang kontrata sa nabanggit na proyekto.

Subalit ayon naman sa alkalde, produkto lamang ng imahinasyon ni Ynion ang akusasyon laban sa kanya at itinuturing niya na maaga lamang itong pamumulitika.

Si Ynion ay matunog na kaalyado diumano ni dating Justice Sec. Raul Gonzalez Sr. na kalaban naman ni Mabilog sa pulitika.

Dagdag pa ng alkalde, hindi maaaring gawing tambakan ng basura ang sanitary landfill sa Passi City dahil malaki ang gagastusin ng lungsod.  (Pinoy Parazzi Reportorial TeaM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.