Mayor sa Ilocos Norte, Suspendido ng 4 na Buwan

KAUGNAY NG kinakaharap na kasong administratibo sa Sangguniang Panlalawigan, nahaharap sa apat an buwang suspensyon si Mayor Maja Sales ng Pagudpud, Ilocos Norte.

Sa resolusyong ipinalabas base sa motion for reconsideration ni Mayor Sales, apat na buwang suspension ang napagkasun-

duan na ipapataw sa alkalde imbes na anim na buwan.

Agad ipinadala ang kopya ng resolusyon sa tanggapan ni Governor Imee Marcos para mapirmahan bago maisilbi kay Mayor Sales.

Samantala, nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Mayor Sales sa naging desisyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Gayunman, sinabi niya na ituturing lamang na final and executory ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan kapag napirmahan na ni Marcos.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.