Mayor sa Ilocos Norte, Kinasuhan ng Rape

NAHAHARAP SA kasong rape si Mayor Erick Bawingan ng Adams, Ilocos Norte.

Ito’y matapos pagsamantalahan diumano ng nasabing alkalde ang empleyado na kinilala lamang sa pangalang Rosanna sa isang bahay na inuupahan ng mayor sa Laoag City.

Bago ang insidente ay inutusan ng alkalde ang empleyado na iprisinta ang mga travel documents nito ngunit hindi natuloy dahil bigla na lamang daw itong niyakap ng alkalde hanggang sa inalis nito ang pantalon at underwear ng biktima.

Pagkatapos ay inilabas ng alkalde ang kanyang baril at tinangkang itutok sa bunganga ng biktima.

Sumunod ding inalis ng alkalde ang kanyang pantalon at underwear at dito isinakatuparan ang kanyang pagnanasa sa biktima.

Gayunman ay nagawang sigawan ng biktima ang alkalde na kahit patayin ito ay alam ng kanyang mga magulang kung sino ang kanyang kasama.

Nagawa ring sabihin ng biktima sa kanyang mga magulang ang insidente.

Sa ngayon, lumalabas na ang naturang kaso ay naareglo sa isang barangay sa Adams, Ilocos Norte at bilang danyos ay nagbayad ang alkalde ng P40,000 sa mga magulang ng biktima upang hindi na magreklamo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.