Mayor Oreta, Pumanaw sa Sakit na Kanser

BINAWIAN NA ng buhay si Malabon City Mayor Canuto “Tito” Oreta matapos ang ilang taong pakikipaglaban nito sa sakit na lung cancer kamakalawa ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon kay Bong Padua, Public Information Officer (PIO) ng Malabon City, bago mag-alas-10 kamakalawa ng umaga nang bawian ng buhay si Oreta sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Si Oreta ay nasawi sa edad na 73 kung saan ay nahalal itong alkalde ng Malabon City noong 2004. Noong 2007 at 2010 at walang nakalaban si Tito sa pagka-alkalde ng lungsod hanggang sa maratay ito sa karamdaman sanhi ng lung cancer.

Dahil sa dinaramdam na sakit ay naging Acting Mayor ang pamangkin ni Oreta na si Vice-Mayor Len Len Oreta kung saan ay itinuloy nito ang mga sinimulan ni Tito.

Sa termino ni Tito nang maipatayo ang bagong city hall na isa sa pinakamagandang gusali ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila at naipatayo rin nito ang palengke na mula sa maruming tindahan ay naging maayos na pamilihan.

Nakilala rin si Tito dahil nagmistula itong tagapagbati ng mga pulitikong nag-aaway sa naturang lungsod dahilan upang tuluyang mawala ang mga nagbabanggaang personalidad sa Malabon City.

Nakatakdang dalhin ang bangkay ni Tito sa city hall sa Biyernes kung saan ay magmumula ito sa kanilang bahay sa Barangay Maysilo bago ito dalhin sa huling hantungan sa darating na Sabado.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.