Mayor ng Doña Remedios Trinidad, ayaw bumaba sa puwesto

“HINDI AKO bababa sa puwesto” hanggang walang opisyal na sulat na ipinadadala ang tanggapan ni Secretary Jessie Robredo  ng Department of Interior and Local Government (DILG) ito ang tahasang sinabi ni Doña Remedios Trinidad Mayor Ronaldo Flores sa kanyang mga kababayan.

Habang nanumpa naman bilang Officer-In-Charge si Vice Mayor Jeyvie Manalo sa tanggapan ni Executive Judge Renato Francisco nitong lamang nakalipas na Biyernes sa Bulacan Regional Trial Court.

Nag-ugat ang pagsuspinde sa Alkalde, makaraang katigan ng Sangguniang Panlalawigan ang reklamo ni Camachin Brgy. Chairman Roberto Sembrano, laban sa punong-bayan na umabuso sa kapangyarihan at conflict of interest, kung saan inirekomenda ang 6 na buwang suspensyon nito lamang Enero 31, 2012.

Matapos pagtibayin ang desisyon na pinamumunuan ni 2nd District Board Member Enrique “Buko” Dela Cruz, na chairman ng good governance makalipas ang 15 araw, nito lamang Pebrero 15 nilagdaan na ni Bulacan Governor Willy Alvarado ang pagsuspinde sa panunungkulan ng alkalde, kung saan pinadalhan din ng sipi ng desisyon si Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa, Jr. at DILG Provincial Director Myra B.Moral Ceso.

Bunsod nito paralisado na ang transaksyon sa loob at labas ng Pamahalaang Bayan ng DRT, dahil kapwa ayaw pumirma sa mga mahahalagang dokumentong nabanggit na mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.