Mayor ng Calbayog, tinodas sa piyesta

SAMAR – PATAY ANG alkalde ng Calbayog City makaraang tambangan ng hindi nakilalang suspek sa bayan ng Hinabangan noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-9:30 ng gabi nang barilin ng nag-iisang lalaki si Mayor Reynaldo Uy, 59, habang nakaupo sa presidential table sa covered court sa nasabing bayan.

Sugatan naman ang board member ng nasabing lalawigan na si Eunice Babalcon na malapit na nakaupo kay Uy.

Tinangka pang isalba ang buhay ng biktima nang dalhin siya ng kanyang mga kaanak sa Divine Word Hospital sa Tacloban City, subalit binawian din ng buhay kahapon ng madaling-araw.

Si Uy na dating kongresista ng Hinaba-ngan ay inimbitahan ni Hinabangan Mayor Alex Abaratique bilang special guest sa piyesta.

Aminado naman ang Tacloban PNP na blangko sila sa motibo ng pagpaslang gayundin sa mga killer ni Uy. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.