Mayor, Nang-umbag at Nanutok ng Baril sa Truck Driver

UMALMA ANG  mga kaanak at pamilya ng truck driver na umano’y sinaktan at tinutukan ng infant baby armalite rifle ng mayor ng Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Akle sa bayan ng San Ildefonso.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi sa biktimang si Jomar Cruz Y Licmuan, 30 anyos, may-asawa, driver, residente ng Buhol na Mangga, San Ildefonso, kasalukuyan silang naghuhugas ng kanilang dump truck na may plakang RHY-561 lulan ang halos 40 tonelada ng iron ore mula sa stockfile ng minahan sa Brgy. Camanchin na pag-aari ni former Vice Mayor Liberato Sembrano, kasama ang magkapatid na driver at pahinante  na sina Rodelio at Rafael dela Cruz kapwa nasa hustong gulang, residente sa nabanggit na barangay, habang mabilin namang nakatakas ang isa pang driver na nakilala lamang sa alyas na Benjamin Selibio matapos tutukan ng mga pulis.

Ayon sa mga biktima, dakong ala-1 ng hapon ng Enero 17, 2012, nang harangin ng CAFGU ng 56 IB sa Brgy. Alagao, base na rin sa utos umano ni DRT Mayor Ronnie Flores. Makalipas ang ilang minuto, dumating ang galit na alkalde, kasama ang kanyang mga tauhan na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Kung saan agad siyang pinitsiraan ni Mayor Flores at pinagsusuntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos siyang ma-ngatwiran na tatawagan muna niya ang may-ari ng truck. Lalo namang nagtaas ng boses ang mayor at sinabing iligal daw ang dala nilang iron ore gayong ipinakita na nila ang Delivery Recieft at ang Ore Transport Permit mula sa Bulacan Environment and Natural Resources.

Hindi pa rin umano pinakinggan ang paliwanag ng mga biktima, sa halip ay inagaw umano ng mayor ang baby armalite at tinangka umano silang barilin subali’t agad naagaw ni former Brgy. Chairman Dante Atlas ng Brgy, Talbak.

Ayon sa source, posi-bleng maharap sa patung-patong na kaso si Mayor Flores tulad ng Violation of Human Rights at criminal case dahil sa panunutok ng baril. Bukod pa rito ang kasong tax evation, economic sabotage, at anti-dummy law, makaraang madiskubre na kabilang ang kanyang 9 na taong gulang na anak na major stake holders ng Sky Trac Trucking and Maroon Mineral Carriers, Inc.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Mayor Flores ang mga paratang sa kanya ng driver at ng mga kaanak ng biktima. Kaugnay nito, detenido ang tatlo sa kasong mineral theft.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.