Mayor Lim Galit Talaga sa Mahihirap

EKSAKTONG TATLONG TAON na ang nakararaan mula nang unang humataw sa kalsada ang pahayagang ito.

Sa tindi, parekoy, ng kumpetisyon sa merkado at iba’t ibang suliranin sa propesyong ito, ang pahayagang Pinoy Parazzi ay nagawang i-survive ang kanyang adhikain at patuloy na iwinawagayway ang kanyang panata… isang patas, walang takot at malayang pamamahayag!

Kaya naman mariing pasasalamat ang ipinararating natin doon sa mga taong walang-sawa at patuloy na tumatangkilik sa paborito ninyong pahayagan… ang Pinoy Parazzi!!!

Para naman kay publisher Raimund Agapito at sa mga taong-opisina na talaga namang masisipag sa paghahanda para higit na mapaganda ang pahayagang ito… “balang araw ay aanihin natin ang ating mga itinanim” …kung hindi lang tayo manghihimagod!!!

MATINDI TALAGA ANG galit ni Mayor Lim sa mga mahihirap ng Maynila.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang mga driver ng pedicab at kuliglig at ang kanilang mga pamilya na ang tanging inaasahan ay ang pamamasada ng kanilang pedicab at kuliglig diyan sa Maynila.

Hindi man lang binigyan ni Lim ng kahit kaunting kunsiderasyon ang mga driver na ito na sa kabila ng kanilang paghihikahos sa buhay ay pilit na namumuhay ang mga taong ito nang marangal.

Alin, kung walang planong mamuhay ng marangal ang mga driver na ito? Aba eh, mas madaling magnakaw, parekoy, o kaya ay magtinda ng droga!!!

Pero ayaw nila… mas gusto ng mga pedicab at kuliglig drivers na mamuhay nang marangal… kaya nga, parekoy, paulit-ulit silang naninikluhod kay Mayor Alfredo S. Lim.

Na sana ay ipagpaliban muna ang implementasyon sa nasabing order ng pagbabawal sa mga pedicab at kuliglig sa mga “pangunahing kalsada” sa Maynila.

Kahit palagpasin man lang muna ang Kapaskuhan, parekoy.

Ang masakit, mistulang “bingi” sa hinaing ng mga pobreng driver itong “Dirty Harry” ng Maynila.

Ang katuwiran ni Lim, bahala kayo sa buhay ninyong mahihirap kayo… ang mahalaga ay “bundat” ako… ‘tangna talaga!!!

INAANYAYAHAN ko po kayong makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta, tuwing umaga 6 – 7, Lunes hanggang Biyernes sa DZME (Dulong kanan po ng inyong tala-pihitan). O kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “Mayor Lim Galit Talaga sa Mahihirap

Leave a Reply

Your email address will not be published.