Mayor Herbert Bautista, parang talk show ‘pag nakipagtsikahan sa press

Herbert-BautistaALIW SI Quezon City Mayor Herbert Bautista kapag katsika niya ang mga entertainment press. Talk show talaga ang peg niya na kadalasan, ang daming mga “off the record”. Sayang.

Sa yearly birthday blow-out niya sa amin, aliw kami at laugh trip dahil dito mo makikilala si Bistek na noon pa man ay kilala na namin noong panahon na siya pa lang si Reneboy na kapatid ni Flore de Luna (played by Janice de Belen) sa RPN 9, kung saan dumadalaw kami regularly sa studio nito sa Broadcast City sa may bandang UP Diliman.

Malalim ang pundasyon ng friendship namin ni Mayor. Noong panahon na si Mommy Baby (mother of Herbert, Harlene, and Hero) ang isa sa mga nanay-nanayan namin sa showbiz na kapag waley datung ang mga beki, dadaan lang kami sa haybols nila sa may bandang New York sa Cubao (malapit sa simbahan, kung saan nagpakasal sina Dingdong at Marian), pakakainin na kami ni Mommy Baby.

Kung hindi ako nagkakamali, si Mommy Baby ang nanay ng mga showbiz writers noon na may ready na food na ipatitikim sa amin. Like ko ang adobong baboy ni Mommy Baby.

Kaya nga siguro ganito si Mayor Bistek ngayon, namana niya sa mabait niyang ina. Ang ama naman ni Mayor, once or twice lang namin nakasalamuha.

“Gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan ni Mama,” kuwento ni Mayor Bistek sa amin last Saturday over lunch.

Sa mga taga-showbiz, siya lang yata ang naaalala ko na may ganitong get-together sa mga entertainment press yearly.

I still remember noon na hindi pa naman uso ang “havey” na datung, si Mommy Baby, kasama si Harlene, pupunta sa bahay namin sa Sampaloc, Manila na karay-karay si Harlene at may dalang longganisa na napakasarap.

Sa lunch tsikahan namin with Bistek, ang Liberal party na kung saan siya kaalyado ay isinasama siya sa listahan ng mga senador na isusugal nila sa 2016 elections. Pero ang gusto ng mga entertainment press, ipagpatuloy niya ang kanyang paglilingkod sa Quezon City, kung saan napatunayan naman na ang kanyang gawain ay swak sa standard ng mga mamamayan na pinamumuuan niya.

Sabi ko personally kay Bistek, mas makapaglilingkod ka nang upfront sa mga taga-QC, kaysa sa pasukin mo ang pagka-senador.

Sa nalalapit na announcement n PNoy sa media anytime bago matapos ang buwan ng September, malalaman kung tuloy si Mayor Herbert sa labanan sa politika for a higher position.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSylvia Sanchez, kayamanan ang mga nakukuhang award
Next articleLani Mercado, may bigat sa dibdib ang pagbati sa kaarawan ni Bong Revilla

No posts to display