Mayor Herbert Bautista, inunang tapusin ang pelikula kaysa problema ng squatters sa Kyusi?!

AFTER WATCHING the trailer of the movie Raketeros natatawa pa rin ako. Sabihin na natin na ang casting ng pelikula na dinirek ni Randy Santiago ay kinabibilangan ng stars of the 80s-90s like QC Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Bayani Agbayani, at Ogie Alcasid, marunong pa ring mangiliti ang apat sa mga kenkoy nilang pelikula. In short, hindi pa rin sila LAOS!

Si Ogie na isang singer, pinatunayan na komedyante rin sa kanyang mga eksena sa Bubble Gang. Lalo na si Andrew E. na hindi lang nakilala bilang isang rapper kundi isa ring magaling na komedyante sa mga dami ng mga pelikula niya noon sa Viva. Si Mayor Bistik, kahit busy sa kanyang constituents, humahataw pa rin just like the old “Bistik” sa mga dati niyang pelikula. Policy pala ni Mayor na two times a week lang siya puwedeng mag-shooting kaya na-delay ang pagtatapos ng obra ni Direk Randy.

I just wonder kung during the Agham Rd. riot sa pagpapaalis ng mga illegal settlers kamakailan, naging priority kaya ni Mayor Bistik ang pag-aasikaso at pag-troubleshoot sa picket line or nasa shooting ang lolo mo?

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

7 thoughts on “Mayor Herbert Bautista, inunang tapusin ang pelikula kaysa problema ng squatters sa Kyusi?!

  1. wala namang napatunayan di ba? hindi porke pinagbintangan ka sa isang bagay e ginawa muna.
     di natin alam baka biktima din sya ng mga katulad nyong kung makapang husga e wagas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.