Mayor Herbert Bautista, green minded talaga!

MARAHIL AY MABIBILANG sa daliri ang Metro Manila Mayors at Local Executives sa bansa na maihahambing kay Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na consistent sa kanyang commitment sa pagpapahalaga sa Inang Kalikasan.

Ngayong darating na buwan ng Abril 2011 ay ipapatupad na ang nilagdaan ng konseho ng Quezon City ang implementasyon ng ‘GREEN BUILDING’ – isang ordinansa na nag-uutos ng eco-friendly na teknolohiya at makabagong sistema sa planning design, construction at maintenance ng mga gusali sa lungsod upang mabawasan ang epekto ng environmental degradation sa Quezon City.

Naniniwala si Bistek na sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan at teknolohiya ay nakakaambag ang Lungsod ng Quezon sa suliranin ng Global Warming at Energy Issues.  Sa pamamagitan ng Department of Building Official, ayon kay Mayor Herbert ay maipapatupad sa lahat ng kumukuha ng permits para sa construction at renovation ng mga gusali sa buong Lungsod.

Sa pamamagitan umano ng ganitong bagong programa ng Pamahalaang Lungsod ng QC ay mababawasan ang masamang epekto ng Greenhouse gases at iba pang hazardous emissions mula sa mga gusali at ibang imprastraktura sa lungsod. Ang Green Building Ordinance na pinangunahan ni Mayor Bistek ay magbibigay din ng incentives sa pamamagitan ng tax credits sa mga developers at land owners bilang pabuya sa pakikiisa sa kalusugan ng lungsod at mga mamamayan ng Quezon City.

Sa mga ganitong kahanga-hangang programa ni Mayor Herbert Bautista, walang dudang sinsero siya sa kanyang advocacy sa environmental issues at mga komprehensibong kampanya upang magkaroon ng malinis na hangin, ligtas na inuming tubig at malusog na lokalidad sa Quezon City. Saludo tayo kay Mayor Bistek dahil hindi naman siya sumasablay. Hindi Ni-ngas Kugon, ‘ika nga.

Sana’y pamarisan si Bistek ng iba pang Local Executives hindi lamang sa pagpapahalaga kundi pagrespeto at pagmamahal sa Inang kalikasan. Green Minded nga talaga kayo, mayor! Mabuhay po.

Thank You For Not Smoking!

By Sherween Eslava

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.