Mayor Guia at Cong. JV, Like Mother Like Son!

KAMAKAILAN AY TAGUMPAY na sinalakay ng Lungsod ng San Juan sa pangunguna ni Mayor Guia Gomez ang isang Shabu warehouse sa Ortega St., Barangay Addition Hills, kung saan pinatatakbo ng tatlong Chinese nationals na nag-iingat ng repackaged 190 kilograms na Shabu na may tinatayang halagang P950 million.

Ang tatlong Chinese nationals na sina Chiong Song, Chong-Y Liong at Chanton Lo ay kasalukuyang nakabilanggo ngayon at nahaharap sa mabigat na kaso ng Drug Trafficking na may katumbas na habambuhay na pagkabilanggo.

Ayon kay Mayor Guia, walang puwang ang droga sa kanyang lungsod at sana’y magsilbing aral sa mga nagnanais na maghasik ng aktibidades ng droga sa San Juan.

Bilang pagsuporta naman sa Anti-Drug Campaign ni Mayor Guia Gomez, personal na tumungo si Congressman Joseph Victor G. Ejercito ng Lone District ng San Juan at nag-iisang anak ni Mayor Guia kay dating Pangulong Joseph Estrada, noong  March 8 sa PDEA at nagpasailalim sa isang drug test. Ayon kay Cong. JV, hakbang niya ito upang mawala rin ang kaisipan ng mga adik ang ilang congressman at isang paraan niya upang pamarisan ng kapwa congressman na sila ay drug-free at hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Obvious na ‘like Mother like Son’ ang pinapakitang galing at leadership ng mag-inang Guia at JV. Bilang pagpapatuloy sa magandang nasimulan bilang Mayor ni JV noon, nagsimula na ang konstruksyon ng bagong City Hall ng San Juan sa Pinaglabanan Park. Ito ay isa sa masasabing legacy ng mag-inang Guia at JV.

Ayon kay Mayor Guia, pinagpapatuloy lang niya ang mga nasimulan ni Mayor JV katulad ng makabago at state-of-the-art San Juan Medical Center, pag-angat ng annual income ng San Juan City, maayos na taxation measures, paglago ng sector

ng real estate at pagkakaroon ng friendly business climate at bagong gusali ng Hall of Justice.

Sa unprecedented performance nga noon ni Mayor JV, nagawaran ito ng prestihiyosong Ten Outstanding Young Men (TOYM) Award of 2007 sa kategoryang Most Outstanding In Government Service.

Sa ngayon, sa pamumuno naman ni Mayor Guia, pang-apat sa Estrada clan na nanunungkulan sa lungsod ay laban naman sa droga at krimen ang nais niyang pangunahan, at kabuhayan sa sektor ng kababaihan sa kanyang lungsod. Ayon sa kanya, walang krimen kung may hanapbuhay at matatag ang bawat pamilya.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na totoo nga ang kasabihan: Kung ano ang puno ay siya rin ang bu-nga. Like mother like son, nga! Mabuhay po kayo!

Thank You For Not Smoking!
By Sherween Eslava

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.