Mayor Gatchalian, nagpapabaya na sa Valenzuela

DISMAYADO NA ANG mga residente sa iba’t ibang barangay kay Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian at maging sa hepe ng kapulisan hinggil sa mga nagkalat na sugalan at sa mga beerhouse na nagpapalabas ng bold shows at prente ng putahan na hindi man lamang binibigyan ng kaukulang pansin ng dalawang nabanggit na opisyal.

Ayon sa mga residente, palibhasa matatapos na ang termino ni Gat-chalian bilang alkalde ng nasabing lungsod, pinagwawalang-bahala na nito kung maging sugapa man sa sugal ang kanyang mga nasasakupan.

Hindi rin umano iniisip ni Gat-chalian kung kumalat man ang iba’t ibang uri ng sakit sa babae partikular ang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na karaniwang nakukuha sa mga beer garden at bahay-aliwan.

Anila, maging ang hepe ng kapulisan na si Sr. Supt. Eric Serafin Reyes ay nagmimistulang inutil at walang silbing hepe sa dahilang wala itong ginagawang anumang hakbang sa ikasusugpo ng mga nasabing bisyo sa kanyang area of responsibility (AOR).

“Sina Gatchalian at Reyes ay kaha-lintulad umano sa baboy na nagpapalaki ng tiyan sa kanilang malamig na silid-tanggapan na hindi alintana ang kahihinatnan ng mga residente na adik sa sugal at kamunduhan,” wika pa ng mga residente.

Sinabi pa ng source, sina Boy Edmond na operator umano ng Lotteng at Ending, habang sina “Lolo Pengoy” at isang “Toti” na mga operator naman umano ng saklaan ay pawang nagsisilbing “salot” sa buong Valenzuela, dahil sa ilegal nilang ope-rasyon ng sugal.

Libu-libong piso umano ang nakukuhang intelihensiya ng Valenzuela-PNP mula sa mga operator ng ilegal na sugal, bukod pa sa mga nanggagaling sa beerhouses na nagpapalabas ng bold shows at nagsisilbi rin putahan.

Sinabi pa ng nadidismayang residente na hindi na nila susuportahan ang kandidatura ni Rex Gatchalian, kapatid ng kasalukuyang mayor na tatakbong alkalde sa 2013 mayoralty elections. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.