MAYOR ECHIVERRI SIBAK NA, KULONG PA

KAPAG NAGING “FINAL and executory” na ang desisyong iginawad ng Commission on Elections (Comelec) laban kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, ito na marahil ang kauna-unahang elected official sa bansa na masisibak na ay makukulong pa, dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Ito ang nilalaman sa desisyong ipinalabas ng Comelec kamakailan lamang laban sa nasabing alkalde kaugnay sa naganap na halalan noong Mayo 2007, kung saan si Echiverri ay inakusahang gumamit ng mga election paraphernalia gaya ng posters na ang sukat ay lagpas umano sa itinatadhana ng batas.

Idinagdag pa ng nasabing desisyon na ang mga ito ay inilagay rin umano sa mga lugar na hindi identified bilang “Comelec common poster areas”.

Ang Comelec Resolution na nilagdaan ng anim na Comelec commissioners, maliban kay Comelec Chairman Sixto Brilliantes, ay nagsasaad na si Ma-yor Echiverri ay maaa-ring makulong ng hanggang anim na taon at masibak pa sa tungkulin.

Gayunman, nilinaw ng Comelec na sang-ayon sa batas, ang nabanggit na alkalde ay may karapatang maghain ng Motion for Reconsideration. (Parazzi Special Reports Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.