MAYOR ECHIVERRI MAINIT SA COMELEC

KAUGNAY SA IPINALABAS na Resolution ng Commission on Elections (Comelec) kamakailan lamang kung saan napatunayan nitong lumabag nga si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa Omnibus Election Code, ilang residente ng lungsod na ito ang nagpahayag na posibleng masibak nga ito sa posisyon at makulong pa dahil mistula “hot cake” umano ngayon ang nasabing alkalde sa paningin ng Comelec.

Dahil dito, possible umano na maging ang reklamo sa anak nitong si Brgy. Chairman Ricojudge Echiverri ay magkaroon din ng negatibong resulta.

Ang kinasasangkutan ni Ricojudge ay tungkol naman sa ginanap na halalan sa pederasyon ng mga barangay chairperson kung saan ang batang Echiverri ay lumabag din umano sa mga patakaran ng batas sa pamamagitan ng pagdadala nito sa kanilang beach resort sa Batangas sa mga punong barangay ng Caloocan ilang araw bago ang ABC election.

Ang nasabing paglabag ni Ricojudge Echiverri ay naganap umano sa pakiki-pagsabwatan nito sa DILG at Comelec na officers ng siyudad.

Kaugnay naman sa Comelec Resolution na ipinalabas kamakailan lang kung saan ang matandang Echiverri ay hinatulang masibak sa tungkulin at makulong pa ng hanggang 6 na taon, nangangamba rin ang nasabing mga residente ng Caloocan na posibleng ito na umano ang umpisa ng pagguho ng Echiverri sa larangan ng pulitika sa Caloocan.

Idinagdag pa ng mga ito na mainit umano ngayon kay Echiverri ang pamunuan ng Comelec sa dahilan na ang kasalukuyang Chairman ng Comelec na si Sixto Brilliantes ay dating abogado at kilalang malapit na kaibigan ng mga Asistio. (Parazzi Special Reports Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.