Mayor Duterte at sugal ni Aging Lisan

 

MARAMI ANG NATURUAN ng aral sa naganap na panununtok ni Davao City Mayor Sara Duterte kay Court Sheriff Abe Andres noong nakaraang linggo.

Unang-una na ay mismong si Andres, dahil sa kanyang asal na kung magpatupad ng utos ng korte ay mistulang berdugong ulol na hindi na marunong ng tinatawag na kaunting konside-rasyon.

Bakit nasabi natin ito, parekoy?

Sa record, noong Hunyo 18, 2008 ay sinuspinde na ito ng Korte Suprema dahil sa pagiging arogante sa pagpapatupad ng seizure order sa 22 motorsiklo na pag-aari ni Kenneth Hao.

Na kahit wala namang resistance sa panig ng defendant ay dinalhan talaga ni Andres ng mga armadong tao habang nakasakay sa “military truck”.

Ibig sabihin, may asal talaga itong si Andres na pa-bruskohan ang pagpapatupad ng court order, na kahit ang 2 oras na hinihiling ni Mayor Duterte para maging mapayapa ang lahat ay hindi talaga niya pinagbigyan!

Kaya naman niloob ng Diyos na ang kanyang “black-eye” at mga pasa ang magsilbing “peace offering” upang maawat ang pagdanak ng dugo ng mga sandaling ‘yon!

Kay Mayor Sara Duterte naman ay natutunan din niya ang aral na magpalamig nang kaunti at daanin sa mahinahon na pamamaraan.

Dahil kahit sabihin pang malapit sa puso niya ang mahihirap na apektado ng usapin ay marami ang hindi makakaunawa sa kanya!

Pero sinungaling ako, parekoy, kung hindi ko ia-admire ang damdamin ni Mayor Duterte para sa kawawang mahihirap na mamamayan niya at ang kanyang tapang na sumulpot sa panahon ng kaguluhan at pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.

Mabuhay ka, aydul! Sana maulit muli! Ehek!

 

PATULOY NA KINAKALADKAD ng gambling lord na si Aging Lisan ang pangalan nina Olongapo City Mayor Gordon at PNP Chief, Dir. Gen. Raul Bacalzo sa kanyang iligal na sugal sa Olongapo City.

Ayon sa ating tawiwit ilang madaldal na tauhan mismo ni Aging Lisan ang nagmamayabang na hindi kayang patiklupin ang kanilang iligal na sugal sa nasabing lugar dahil nga sa protection umano ng mga nasabing opisyal.

Noong una ay ayaw nating paniwalaan ang inginangakngak nitong daldalerong tauhan mismo ni Lisan.

Pero ang tanong natin, bakit nga ba hindi kayang galawin ng pulis ang nasabing operasyon ni Aging?

Bakit tahimik nga naman itong si Mayor Gordon kahit laganap na sa kanyang lugar ang nasabing iligal na sugal?

Ang hula ninyo, parekoy, ay katulad din ng sa akin!

 

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa a-king radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

3 thoughts on “Mayor Duterte at sugal ni Aging Lisan

  1. kahit na! walang KARAPATAN ang powtang tomboy na mayor na umabgin si sheriff!!! ang kapal ng mukha nya. me pa “imagine, imagine” pa ang gagah!

    makakahanap ka rin ng katapat mo!

    kung si sheriff ang nangumbag kay mayor na walang modo, sigurado kulong agad siya! e ang gagang mayor? dapat ikinulong yan agad! feeling niya. bah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.