MAYOR, DAWIT SA ILIGAL NA MINA

NORZAGARAY, BULACAN – ISANG dump truck na naghahakot ng mga mina ng bakal sa bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT) ang in-impound for safekeeping sa compound ng police station dahil sa illegal transport of mineral resources.

Ayon kay P/Senior Supt. Fernando Villanueva, provincial police director ng Bulacan, ang nasabing trak na may license plate RAH 611 ay pag-aari ni DRT Mayor Ronaldo Flores at ang mga iron ore ay minina ng Ore Asia Mining and Development Corp. sa bayan ng DRT.

Hinarang ang truck ni Mayor Flores sa checkpoint matapos na masuri ng mga tauhan ng environment office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan dahil wala itong nauukol na ore transport permit (OTP).

Base report walang governor’s pass o hauling pass ang nasabing truck na malinaw na isang paglabag sa Provincial Ordinance No. 95-1(A).

Matatandaang may mga reklamo rin ang mga residente ng Barangay Camachin, kung saan nag-o-operate ang nasabing mining company na lubhang naaapektuhan ng nasabing mining operations at hindi nakatutulong sa mga mamamayan.

Nito lamang nakaraang October 7, nagsagawa ng public consultation on the environmental impact assessment ang Ore Asia Mining and Development Corp. sa Barangay Camachin, at nanindigan ang mga opisyales nito na hindi makakasira sa kalikasan ang kanilang mining project sa nasabing lugar at makatutulong itong magbigay ng hanapbuhay sa mga residente roon.

(THONY ARCENAL)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.