Mayor Bistek, kunsintidor ng iligal na sugal? TUPADA SA LOOB MISMO NG QC HALL

KUNSINTIDOR DAW NG iligal na sugal itong si Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista dahil na rin sa masiglang pustahan sa pagitan ng nagsasalpukang manok na nagaganap sa loob mismo ng bakuran ng Quezon City Hall.

Sa nakalap na impormasyon ng Pinoy Parazzi, nagaganap ang iligal na sabong o tupada tuwing araw ng Sabado at Linggo na matatagpuan mismo sa likuran lamang ng bagong Civic Center Building.

Anang isang opisyal ng city hall na tumangging magpabanggit ng panga-lan, kahiya-hiya umano ang nangyayaring ito, dahil tila hindi na iginalang ang kapangyarihan na nagmumula sa QC Hall laban sa mga ganitong iligal na aktibidad.

Aniya, malakas umano ang loob ng operator ng tupada na ito dahil may bendisyon daw ito mula sa isang konsehal mula sa ika-apat na distrito at sa isang mataas na opisyal umano ni Bistek na alyas ‘Tado’.

“Kaya siguro kahit mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) ni Gen. Mantele at mga kagawad Department of Public Order and Safety (DPOS) ni Gen. San Diego ay hindi magawang hulihin ito, dahil may proteksiyon na nagmumula sa mga opisyal ng gobyerno ng lungsod,” paniwala pa ng opisyal.

Nang dahil sa kilalang protektado ang nasabing tupada, dumarami na umano ang dumarayong sabungero sa nasabing tupada na mula pa sa mga karatig na siyudad upang lumaban ng pustahan.

Karamihan din daw sa mga parokyano ng tupada ay mga sugarol na kawani ng Lungsod Quezon kaya lalong kampante ang mga dayong sabungero na walang manghuhuling pulis habang nagaganap ang salpukan ng mga manok.

(Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.