Mayor at Police Chief ng Caloocan, Walang Pakialam sa mga Reklamo Kontra VK

NAWAWALAN NA NG pag-asa ang mga magulang ng mga batang mag-aaral sa kanilang panawagan laban sa lantarang operasyon ng Video Karera (VK) machine na hindi binibigyan ng atensiyon ni Mayor Recom Echiverri at ng hepe ng kapulisan na si Sr. Supt. Jude Santos.

Wika ng mga magulang, kahit saang sulok ng mga barangay, may nakalatag na makina ng VK, na kilala rin sa tawag na ‘devil machines’.

Sinabi pa ng mga magulang, mga marami rin umanong VK machines sa paligid ng mga eskuwelahan, kung saan maraming batang mag-aaral ang nagiging adik sa paglalaro sa iligal na sugal na ito.

Ayon sa ulat, mga nagngangalang ‘Sacho at Gary’ ang mga operator ng VK na kinontak umano ng isang alyas ‘Al’ na malapit kay Mayor Recom Echiverri na siyang nagbigay ng ‘go signal’ para buksan ang operasyon ng nasabing sugal sa lungsod.

Anila, inireklamo na nila ang biglang pagbubukas ng VK operation kay Mayor Echiverri, subalit ‘di umano pinansin ang kanilang daing.

Ipinaabot na rin umano nila ang kanilang reklamo kay Caloocan police chief Senior Supt. Jude Santos, nguni’t ‘di inaksyunan ng nasabing police official.

Ang negatibong pagtanggap ni Mayor Echiverri at Col. Santos sa kanilang daing na ihinto ang vk operation sa lungsod ay umano labis na ipinagtataka ng mga nangangambang mga magulang.

Ang mga barangay leaders din ay ‘di umano dinidinig ang kanilang mga sumbong na lusubin ang mga VK den sa kanilang mga lugar.

Nawalan na umano sila ng pag-asa kung kaya’t balak nilang dalhin ang kanilang sumbong sa opisina ng bagong PNP Chief Dir. Gen. Nick Bartlome.

“Wala na kaming magagawa kundi roon na lang kami magreklamo kay Gen. Bartolome sa Camp Crame,” pahayag nila sa Pinoy Parazzi.

Dito ay masusubukan ang kakayahan ng bagong talagang pinuno ng Philippine National Police (PNP), na umano ay nangakong bubuwagin ang mga iligal na sugal sa bansa. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.