Mayor, 2 pa, sugatan sa ambus sa Romblon

ROMBLON – LIGTAS SA pananambang ang isang alkalde ng lalawigang ito habang sugatan ang kanyang police escort at driver kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Cajidiongan Mayor Festo E. Galang na nasugatan sa kaliwang braso bunsod ng pamamaril.

Sugatan din ng tamaan ng punglo sa kaliwang kamay at balikat ang driver/escort ni Galang na si PO1 Erick Espartinez habang natamaan din sa kamay ang driver na si Jorge Rabino Racho.

Binabaybay ng mga biktima lulan ang isang Fortuner ang national road mula sa municipal hall at pauwi na nang barilin ng mga hindi nakikilalang lalaki.

Agad namang naisugod sa ospital ang mga biktima ng mga rumespondeng pulis.

Narekober sa crime scene ang   dalawang basyo ng bala para sa M16 at isang bonnet/mask. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.