Mayor; 11 pa, Isinama sa Listahan ng ‘Lookout Order’ ng NBI

KASAMA SA listahan ng nilabas na “look-out bulletin” ng Bureau of Immigration (BI) si Pagadian City Mayor Samuel Co kasama ang 11 pang pangalan kaugnay ng pyramiding scam na Coco Rasuman Group.

Pinababantayan sa alinmang airports at seaports ang mga taong ito upang hindi makalabas ng bansa, alinsunod na rin sa utos ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na galing mismo kay Justice Secretary Leila De Lima.

Matatandang noong nakaraang linggo, naglabas din ng ‘lookout bulletin’ laban sa 40 indibidwal kaugnay naman sa Aman Futures Group Philippines, Inc.

Ayon na rin kay David, damay si Co dahil sa pagkakasangkot nito sa Aman Futures na nag-o-operate sa Pagadian City kung saan libu-libo ang nabiktima sa Visayas at Mindanao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.