Maynilad at Manila Water, Umalma sa Posisyon ng MWSS

TAGUMPAY NG mga konsyumer at militante ang naging posisyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office na hindi makatarungan ang pagpapapasan ng income tax ng Maynilad at Manila Water sa mga konsyumer.

Pero umalma ang dalawang concessionaire sa MWSS at iginiit na kapag nauwi sa kasuhan o arbitration ang naturang usapin ay ipasasagot na naman sa konsyumer ang gastos ng dalawang kumpanya kabilang na ang lawyers’ fee at litigation expenses.

Sa hirit ng refund ng iba’t ibang grupo, aminado ang MWSS na mahihirapan dito pero hindi anila imposible.

Ayon kay Chief Regulator Atty. Emmanuel Caparas, hindi pa tiyak kung magkano ang income tax na naipasa sa konsyumer.

Base sa tala ng MWSS, mula 2007 hanggang 2012, mahigit P6 bilyon ang naipasang income tax payment ng Manila Water.

Pero sinisiyasat pa ng ahensya ang kaso ng Maynilad na may income tax holiday mula 2001 hanggang ngayon.

Samantala, isinali u-mano sa kwenta ng kani-lang rate increase noong 2007 ang babayarang income tax.

Nilinaw rin ng MWSS na sakaling may refund, hindi ito cash at magiging bawas lang sa taripa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.