Maynilad at LRT, Kinalampag ng mga Militante

SINUGOD NG Bagong Al-yansang Makabayan (Bayan) ang tanggapan ng Maynilad at Light Rail Transit (LRT) sa Arroceros, Maynila.

Ang nasabing pagkilos ay bahagi ng kanilang pagtutol sa pagtaas sa singil sa tubig at privatization.

Idinamay na rin nila ang napipintong pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT gayundin ang katataas pa lamang na presyo ng gasolina at diesel at maging ang tuition sa mga pribadong eskwelahan.

Inilunsad din ng Bayan ang signature campaign na tinawag nilang “Isang Pirma, Isang Pukpok” kung saan lalagda muna ang mga tutol sa price hike bago pukpukin ang mukha ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na nakaguhit sa isang stainless na batya.

Samantala, ang protesta ay patikim lamang sa isasagawa nilang pagkilos kasabay ng 3rd anniversary ng inagurasyon ng Pangulong Aquino sa Hunyo 30 at ang nakatakda niyang 4th State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.