Maymay Entrata, may dahilan kung bakit nagkukuripot

Maymay Entrata

AMINADO ang PBB Season 7 grand winner na si Maymay Entrata na kuripot siya sa totoong buhay.

 “Mas importante po kasi  talaga sa akin na magse-save ako dahil darating yung araw pag kailangan namin may magagamit pa kami. Kuripot po kasi ako, dahil nga sa dami ng pamilya namin kailangan talaga hinay-hinay lang (sa gastos),” sambit niya.

Mas priority daw niya ang needs kesa wants lang ng kanilang pamilya.

“Sinasabi ko po sa kanila, habang hindi pa kami masyadong mas nakakaluwag, yung mga needs lang namin yung dapat naming unahin at dapat naming bilhin.

 “Kasi darating din ang araw, pinaplano ko din naman po kaya nga nagse-save ako dahil yung plano ko don ay yung mabibili din nila kung ano yung talagang gusto nila.

“Darating din naman po yung araw na yon. Kasi pinapaaral ko pa po yung mga cousins ko kaya kailangan talaga naming magtipid,” wika pa niya.

Ayon pa sa dalaga, napakasarap ng kanyang pakiramdam dahil nakakatulong siya sa kanilang pamilya.

 “Yung mama ko po nag-OFW siya sa Japan, isinakripisyo niya talaga na mapalayo sa amin para lang matustusan yung kailangan namin don sa probinsya. Kaya ngayon, sinabi ko sa sarili ko na ako naman (ang tutulong) at masaya ako. Iba yung feeling, iba yung happiness  kapag ikaw yung nakapag-angat ng pamilya mo.”

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.