Mayen Austria: Kris Aquino, sinungaling!

NAKAUSAP NAMIN ANG tiyahin ni Krista Ranillo na si Suzette Ranillo sa Domestic Airport kung saan ay patungo ito sa Cebu. Noong una, asiwa itong makipag-usap matapos na mapulupot umano sa kanyang leeg ang kawad ng mikropono ng isang talk show. “My God! Nasakal talaga ako, kaya sorry talaga medyo umiiwas lang ako,” panimula ng dating aktres na ngayon ay direktor ng isang indie film ni Nora Aunor sa Amerika.

Ayon kay Suzette hindi raw kabit ni Manny Pacquiao ang kanyang pamangkin. “Alam mo, napaka-unfair ng mga ganyang balita para kay Krista. ‘Yung sinabi nilang sinundan ng pamangkin ko si Manny sa Amerika? Excuse me, bago pa sumikat at makilala si Manny sa boxing ay may bahay na kami sa Amerika. Baka nakakalimutan nila na ang father ko ay naging ambassador ng Amerika so wala akong nakikitang dahilan para pag-isipan kami ng hindi maganda.”

Sinabi pa rin ni Suzette na malungkot ang kanyang kapatid na si Mat Ranillo III sa mga nangyayari.

“Kung ako nga na tiyahin lang ay nasasaktan sa mga nangyayari, what more pa si Mat na siya ang ama?”

Diretsahan pa ring sinabi ni Suzette na walang pakialam ang sinuman kung maging VIP man ang pag-alis ng bansa ni Krista. “Ang hirap sa iba, parang si Krista na lang ang inaabangan nila. Kung may dala mang imported na dog ang pamangkin ko, so ano ang problema du’n? Bakit wala na ba kaming karapatang magkaroon ng sariling pet?” Tuluy tuloy pa ring sabi ng dating aktres.

Samantala itinanggi rin ni Suzette na nakikipag-away siya kay Bianca King, tulad ng mga naglalabasang balita na diumano, itinapon niya ang mga gamit nito, kung saan ay nagalit pa raw sa kanya ang youngstar. “Tungkol sa bagay na iyan, hindi na lang ako magsasalita tungkol sa bagay na iyan. Matagal na ako sa showbiz at alam ko kung ano ang mga nangyayari,” pagwawakas ng aming kausap.

“WE – MY MOM, sisters and I – will never apologize to Kris Aquino. She blatantly lied on nationwide TV, why should we apologize? We did nothing wrong. There is something called the “Freedom of Speech”. Choose what you want to believe. We – I speak for my mom, sisters and myself – know what the truth is.” Ito ang text ni Mayen Austria sa isang kaibigan niya na kilala namin.

Ayon sa aming source, nagulat daw ang Austria family nang may lumabas na balitang humingi sila ng paumanhin sa aktres dahil sa nangyari at ginawa ng diumano’y naging dahilan ng muntik nang paghihiwalay nina Kris at James Yap.

Pero siyempre, mas naniniwala kami kay Kris kaya sa Mayen na ito. Matagal na naming kilala si Kris, at alam naming mabuting tao ito.

Samantala, matapos maiugnay ang pangalan ni Mayen kay James, balitang in good terms na uli ang mag-asawa. “Magtu- tour sila siguro after or before election kasi feeling namin may dahilan naman talaga para magtampo si James kay Kris dahil wala na itong panahon sa kanilang pamilya,” pagdidiin pa ng aming kausap.

DEADMA AT AYAW patulan ni John Lloyd Cruz ang balitang lasing na lasing na naman ito sa isang bar sa Makati kamakailan. Ayon kay John Lloyd, bahala na raw ang mga taong humusga at magsalita laban sa kanya, basta mananahimik na lang daw siya.

Sa kabilang banda, wala kaming nakikitang masama kung sakaling maglasing si John Lloyd. Una at higit sa lahat, hindi naman siya gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. At higit sa lahat uli, hindi naman niya napababayaan ang kanyang work.

Wala na tayong pakialam kung gustong maglasing ni John Lloyd. Ang importante, hindi sa atin siya humihingi ng pang-inom. ‘Yan ay sa totoo lang!

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleMommy Dionesia, inisnab ang fan na nagpapa-picture?!
Next articleManny Pacquiao, sabay na binilhan ng mamahaling alahas sina Jinkee at Krista Ranillo?!

No posts to display