Mayamang gay showbiz personality, todo-gibsung sa bagets actor!

BLIND ITEM: Nako, huh! Ang suwerte naman ng bagets actor na ‘to, mga kafatid. Kaya pala hindi na raw “mai-book” ng ibang bading, eh, dahil nakatali na sa pangangalaga ng isang mayamang bading na kilalang-kilala rin sa showbiz.

Ang latest: ginibsungan siya ng isang bonggang good as new na van para me magamit-gamit siya sa kanyang pagsu-shooting, taping, pictorial at kung anik-anik pang lakad.

Isang hirit lang pala ng bading na, “Punta tayo sa resthouse ko sa Cavite, du’n tayo mag-overnight,” ayun at ang bagets actor ay nanginginig pa, dahil alam n’yo na, ‘pag tumanggi siya, eh, baka maputolang sustentacious, ‘no!

“Lukang-luka” nga sa bagets ang naturang bading, ewan kung ano’ng merong “kuryente” ito, eh, ang dami-daming guys na nagpaparamdam sa bading. Siguro, na-feel niyang mahal na mahal siya nito.

Mahal na mahal, kaya binigyan ng van?

Juice ko, buti kamo’t mayaman ang bading. What if mahirap lang ang bading at walang kapasidad magregalo ng van?  Ano’ng ireregalo niya? “Nutrivan”?

‘Pag ganyan naman kahirap ang bading, aba, lost ‘yan sa puso ng bagets, ‘no!

by Ogie Diaz

Previous articleJT ng showbiz industry
Next articleGMA 7 rules Mega Manila

No posts to display