Mayamang bading, pinilahan ng male celebrities noong Pasko! – Joey Sarmiento

MR. MULTI-BILLIONAIRE. ‘YAN ang isa sa mga tawag sa napakayamang bading na meron ding ‘sanrekwang mga negosyo na may konek sa halos lahat ng basic needs natin kaya imbes na siya ang ibibida natin sa blind item, e, ang mga aktor na lang na pumila sa kanya nu’ng nakaraang Pasko ang pag-trip-an natin.

Inggit na inggit raw ang mga bading sa kanya nu’ng nakaraang Krismas dahil literal na pinilahan siya ng mga guwapong hunks sa showbiz dahil sa Christmas money na kanyang ipinamimigay.

Ang balita, singkuwentang sampal ang kanyang ibinibigay sa mga favorite hunks niya at tatlumpung sampal naman sa bawat guy na hindi niya masyadong type pero puwede na rin.

Ilan sa mga nakitang pumila sa mayamang bading ay ang Kapamilya actor na mahilig mag-diyeta, ang Kapuso TV host na hindi lang pampamilya, pang-isports pa, ang may edad nang action star na galing sa angkan ng showbiz at napakatulis pa rin at ang kanyang latest love daw na isang morenong aktor na mahilig mag-produce ng mga indie films.

‘Yung ibang mga pumila sa mayamang personalidad nu’ng Pasko ay mga basketball players ng PBA at ng mga sikat na unibersidad. Ilan lang naman ang mga bading na super-yaman sa ‘Pinas kaya sigurado, maraming money ang mga celebrities na pumila sa kanya bago matapos ang year 2009… getz?!

HUHUSGUHAN NGAYONG ARAW ang pagsisimula ng Bebe and Me, ang afternoon series na pumalit sa kontrobersiyal na My Shuper Sweet Lover ng Daisy Siete.

Sigurado kami, matindi rin ang pressure na nararamdaman ni Rochelle Pangilinan dahil sobrang laki ng tiwala sa kanya ng GMA-7 management at ng Focus Entertainment.

They believe na ginigising ni Rok ang siesta time ng mga Pinoy kapag siya ang bida sa Daisy Siyete kaya kahit na sobrang dami na ang kanyang mga raket, e, balik ulit ang kanyang beauty sa afternoon top-rater ng Kapuso.

We just wonder, almost everyday ang taping ng Bebe and Me sa Bulacan, bukod pa sa Darna and Show Me The Manny na mga regular shows ni Rochelle sa GMA-7, not to mention the TV guestings and karaketan sa pagsasayaw, may time pa kaya siya sa kanyang sarili and more so, sa kanyang lovelife?

‘Yon kaya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, e, single pa rin siya?

Kunsabagay, may kasabihan nga na you cannot serve two gods at the same time, kaya kung zero man siya sa kanyang lovelife, e, bongga naman ang kanyang career unlike Jopay Paguia na bongga nga ang lovelife… bongga pa rin ang kanyang lovelife! He-he-he!

SIGURADO, MARAMI NA ang nakapapansin sa 12-year old actor na si Julian Trono na madalas mapanood sa Daisy Siyete.

Siya ‘yung batang magaling magsayaw at laging nagwawagi sa mga dance contests kaya kinuha ni Joy Cancio para maging official talent ng Focus Entertainment.

May gustong iparating si Julian sa kanyang supporters na may isang naughty person na gumawa ng Friendster account with matching picture na nagpapakilalang siya si Julian when in fact, hindi siya ‘yon at gusto lang siyang siraan at palabasing isa siyang batang bading.

Nagpapasalamat si Julian dahil hindi lahat ng mga tao, e, naniniwala sa gustong palabasin ng taong ‘yon sa Friendster account pero para ru’n sa ilang mga taong nakukumbinsing siya ay bading, sumusumpa si Julian na isa siyang tunay na lalaki.

It’s funny nga lang dahil may pagka-girl ang kanyang role sa Bebe and Me. Hak-hak-hak!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

14 thoughts on “Mayamang bading, pinilahan ng male celebrities noong Pasko! – Joey Sarmiento

  1. bakit kaya sa showbiz ang dami-daming chizmiz n lumalabas.. even hnd totoo pnaniniwlaan..wag dpat ganun kc nkakasira ng image..cguro nga natural na sa ating mga pilipino ang manggaya ng ibang character…kawawa nan nag mga nagagamit…

  2. Yung mahilig mag dyeta- Si DIET
    Yung pampamilya pang isport pa- Dindong Dantes of Family Feud…..yung iba hindi ko na kilala!!!

  3. masama bang magbigay ng regalo? malay ba naman natin na gusto lang nya mamigay ng regalo habang may jinijingle bells.

    • ikaw ang gago at bobo. Hindi ka ba marunong magbasa? Binanatan mo naman ang Kapuso, isinali naman nitong writer na may kasama na Kapuso host na pumila. Bobo mo naman. Engot!

Leave a Reply

Your email address will not be published.