May utang at kontrata pa sa network: Young Actress, malabong mag-ober da bakod

ANY ARTIST HAS his own creative attack. Tulad na lang ni Ogie Alcasid, whenever a tune pops out while behind the wheels, asahan mong naka-ready na ang kanyang tape recorder; even while seated on the toilet bowl, expect the birth of a new composition from a tune out of nowhere.

Ibang klase rin ang paggawa ng comic spiels ni Joey de Leon whenever the Eat… Bulaga! dabarkads leave for out-of-the country shows; sa eroplano niya kasi isinusulat ang kanyang material. Gamay na gamay na ni Tito Joey ang pulso ng kanilang mga manonood abroad, they hunger for what is both current and controversial. Dito iikot ang kanyang pagpapatawa, that is always expected to bring the house down.

Kamakailan, nagtanghal ang EB sa Anaheim, California. It was one of those frequent visits to the US ng buong grupo. While on board, Tito Joey was immersed into his spiels. Kilala naman natin ang karakas ng isang Joey de Leon, it’s always a marriage between wit and humor.

Bagama’t sariwa pa sa alaala ang August 23 hostage drama sa Quirino Grandstand, paraan ni Tito Joey na pansamantala munang iwanan ang senaryong ‘yon with his version of a fabricated experience.

Kung bading daw ang magho-hostage ng lalaki, ang tawag sa kanya’y “sausage taker.” Pareho rin naman daw ang prosesong pinagdaraanan. May negosasyon din. At ‘pag nagkasundo, meron ding “release.”

Hagalpakan daw sa katatawa ang audience! Ikaw na ang maging Joey de Leon… kayong mga bakla, wouldn’t you have liked to take Tito Joey’s sausage when he was much much younger?!

Joke lang po, Tito Joey.

BLIND ITEM: KUNG tunog ng first name ng isang young actress ang pagbabatayan, she is herself a goldmine. Pero huwag ka, to this day ay hindi maituturing na mina ang kanyang pag-arte.

Ilang mga nakatrabaho na ng aktres na ito ang nagpapatunay na bopol ito sa acting. Maganda nga ang rehistro sa screen, pero mababaw ang pinaghuhugutan ng ating bida. Sa isang soap na kinabibilangan ng young actress ay pinagtitiisan na lang siya ng kanyang direktor sa kakapusan nito ng inaasahang acting, kaya napasigaw tuloy si direk ng: “Lord, give me patience!”

Kung hitsura’t hitsura rin lang ay pang-lead star ang aktres sa anumang soap, lalo pa’t minsan na rin siyang naugnay sa isang equally popular young actor (pero break na sila, at balitang ang pinopormahan nito ngayon ay isang baguhang may dugong-banyaga).

The young actress’s breakup with her actor-boyfriend reportedly took a heavy toll on her, dahilan para mapabalitang lilipat siya sa ibang network as her way to mend a broken heart. Balita pa ngang isang mataas na TV executive ang sasalo sa career ng aktres, but how can that be possible?

Dinig namin ay meron pang kontrata ang aktres na ito with her network, may utang din daw siya rito which makes her move to transfer next to impossible.

Clue: Kapangalan niya ang isa sa mga karakter ng kinaadikan kong Martha Cecilia’s Kristine!

NO DOUBT, ANG inaakala nating simpleng-simpleng laro lang tulad ng Pinoy Henyo na pinauso ng Eat… Bulaga! seems to have become a national pastime among game enthusiasts. Eh, bakit naman kasi hindi? This is one original Pinoy mind game that is both entertaining and interactive.

Huwag idedenay ito ng mga FA (Flight attendant) ng isang kilalang airline company, bahagi ito ng kanilang gimik sa himpapawid… imagine from airtime to airline?

On this concept one of the exciting segments of TV5’s Loko Moko U (that airs every Friday) is pegged. Tinawag nila itong Pinoy Brainless, kopyang-kopya ang set ng Eat… Bulaga!, may mga hosts din who simulate Vic Sotto and Joey de Leon, maging ang mga lumilipad na confetti (nga ba ang tawag du’n?) distracting the contestants are visually xeroxed, ‘ika nga.

Sa totoo lang, Loko Moko U is a gag show worth your while. Medyo maaga lang ito nang konti sa programang maaaring nakasanayan n’yo nang panoorin, but let’s face it, a good, hearty laugh is an anytime experience.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

12 thoughts on “May utang at kontrata pa sa network: Young Actress, malabong mag-ober da bakod

  1. syete..pakawalan nyo na si jewel!
    tama nman ang kapamilya at kapatid !!!
    kung wala naman kayong maiibigay na proyekto sa bata!!!
    wag kayong ganid!!!may puso ba kayo mga kapuso!!!

  2. oo nga naman Jewel. dapat hija, magpasalamat ka sa Maykapal at ipinag-adya ka sa masama. dala na rin siguro ng pagiging madasalin mo kaya ka nai-ligtas. huwag na huwag kang lilingon hija at baka bumalik ka pa sa kanya. tingin ka ng diretso sa future. you may not understand right now why things like these happened but one day you will and you will forever be thankful. naku napapalad mo talaga at napalayo ka sa kapahamakan. magpasalamat ka sa Maykapal.
    sana GMA7, pakawalan na ninyo ang bagets. wala naman kayong maibigay na role sa kanya kundi pulis, best friend at sister ng bida. sayang naman ang oras ng bata.

  3. hay..sana naman makalipat na si jewel sa ibang network, pra naman mkapagwork at move on na siya konting workshop lang naman e matututo din yan umarte

  4. wow,,, and you consider richard guttierez as an actor… he is an actor… ham actor…. mag kanu ibinayad sa u ni anabelle rama?

    • Yeah it’s poor Jewel M., Kawawa naman ang ginawa ni Richard sa kanya kong totoo man ang mga balita. She is very pretty, with or without make up on her face.

      • wag mo syang kaawaan dpat magpasalamat pa c jewel nkawala sya kay richard….jewel is so kind napakabait na bata,relihiyosa hndi cla bagay ni chard sa looks oo pero sa inside sorry very far…jewel is a jewel tipong sa simbahan dpat ideretso hindi itinatago…

      • Miley, when I said poor Jewel, it’s because I know how it feels yong masaktan sa pag-ibig, Maski sabihin natin na magpasalamat pa c Jewel dahil nakawala sya ni Richard at sa mga pamilyang yon, masakit pa rin sa dibdib yong ma heartbroken tayo. I’m sure that is how she feels right now kong tutoo mang nag break na sila ni chard. Jewel is religious and that is probably why God made this happen to save Jewel from further misery. I really like her beauty, she has a slight similarity with KC Concepcion.

Leave a Reply

Your email address will not be published.