May sira ang ulo!

SI PO1 FLORDENCIO Valenzona ay isang klasikong ehemplo ng palpak na screening sa recruitment process sa PNP.

Kung dumaan lang sana sa tamang neuro-psychiatric exam itong si Valenzona, sigurado akong lumagpak ito at hindi siya naging pulis.

Ngunit bago pa man mag-apply si Valenzona sa PNP, sa aking pakiwari, nangangailangan na ang taong ito ng isang espesyalista sa utak na susuri sa kanyang katinuan.

Noong March 26, 2011, sa Maligaya Park, Novaliches, Quezon City, binugbog ni Valenzona si Jonard Amante. Nang magtangkang umawat ang ama ni Jonard na si Joel, binunutan niya ito ng baril at tinutukan sabay na pinagsabihang siya ang isusunod at totodasin pa niya.

Ang pinag-ugatan ng galit ni PO1 kay Jonard ay dahil karibal nito ang barkada ni Jonard na si Demas sa babaeng si Berna – na may asawang seaman. Habang nasa laot ang asawa ni Berna, sinasalisihan ito ni PO1.

Samantala, napag-alaman ni PO1 na bukod sa kanya, may boyfriend din pala si Berna na iba. At ito nga ay ang matalik na kaibigan ni Jonard.

Sa kagustuhang mapaamin ni PO1 nang diretsuhan si Jonard na ang barkada nitong si Demas ay boyfriend ni Berna, at palayuin na rin si Demas kay Berna, binugbog niya si Jonard.

Noong nakaraang linggo, nang mag-away si Valenzona at si Berna dahil sa pagseselos kay Demas, walang kaabug-abog na nagpaputok ng kanyang baril si Valenzona sa veranda ng bahay ni Berna. Inubos ni Valenzona ang lamang bala ng tatlong magazine ng kanyang baril sa pagpapaputok.

Hindi pa nakuntento, tinutukan pa ni Valenzona ng kanyang baril ang mga taong nakaistambay sa isang sari-sari store malapit sa bahay ng kanyang kalaguyo.

Nang magsumbong si Jonard sa WANTED SA RADYO (WSR), bitbit niya ang mahigit isang dosenang basyo ng bala ni PO1 na narekober ng mga testigo bilang ebidensiya.

MADALAS TAYONG NAKAKARINIG ng mga kababayan nating OFW na minamaltrato ng kanilang mga amo sa ibang bansa. Pero paano na kung ang mga kababayan natin ay minamaltrato ng kanilang mga dayuhang amo sa atin mismong bayan?

Dumulog sa WSR si Noime Velasco para ipa-rescue ang kapatid niyang kasambahay na si Ronalyn sa amo nitong Bumbay na nagngangalang Zunita.

Nakausap ng inyong SHOOTING RANGE si Ronalyn sa telepono at humahagulgol ito. Nagmamakaawa din siyang ma-rescue na sa bahay ng kanyang amo dahil hindi na raw niya makayanan ang madalas na ginagawang pambubugbog nito sa kanya.

Sa konting pagkakamali at napakaliit na bagay, nakakatikim ng bugbog si Ronalyn mula kay Zunita. Isang halimbawa na lang ay nang may nakitang uod ang Bumbay sa kanyang banyo. Sumiklab ito sa galit dahil hindi raw nilinis ni Ronalyn ang banyo kaya tinawag niya ito at inuntug-untog ang ulo sa semento. Hindi pa nakuntento, tinusok niya ng susi ang mukha ni Ronalyn.

Ang WSR ay napapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2-4 pm. Ito ay kasabay ring mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41, Channel 7 sa Destiny Cable, at Channel 1 naman sa Cignal.

Mamayang gabi abangan ang isa na namang maaksyong episode ng WANTED sa TV5, 11:45 pm.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

3 thoughts on “May sira ang ulo!

  1. more power idol, sana dito rin sa cebu may ron ding programang katulad nyan para matakot yong mga pulis na abusado…

  2. buti NA LANG idol ngan ka para sa mga pulis na abusado na lagi tumutulong sa mga inaaapi natin na maliit na kababayan

  3. GUD MOWNING PO GUS2 KO LNG PONG ISHARE UNG NAGING KARANASAN NAMIN NG MGA ANAK KO SA ALIMALL IN CUBAO,NUNG NKARAAN SUNDAY,MARCH.27,2011. MINSAN PAGTPOS NAMIN MAGSIMBA NG MGA ANAK KO NAGAWI KMI SA ALIMALL CUBAO UPPERGROUND LEVEL MAY NAGBIBIGAY NG PUMPLET LIBRE DOOR ALARM,SINAMAHAN KMI SA GREENTOP NUNG NAG AASIST,BASTA MAY ID LNG DW IBIBIGAY UNG FREE,HABANG HINIHNTAY NAMIN UNG FREE ITEMS,PINAUPO AKO SA CHAIR MASSAGE NILA,TPOS SINISALESTOKAN,NUNG BINIGAY NA UNG ITEMS,PINAPILI PO AKO KNG ANO ANG NAGUSTUHAN KO:1.STAFF 2.SERVICE 3.PRODUCT ANG SAGOT KO PO LAHAT, INOPERAN PO AKO,BIBIGYAN DW AKO NG CHANGE DAHIL SA SINABI KO KASI MAY PROMOTE DAW PO LHAT NG STAFF,KYA PINAGPILI AKO SA MGA ENVELOPE,ANG NAPILI KO PO 2000 GIFT CHECKS,SBI NILA ANG MGA LAMAN NG SOBRE KUNDI 500,THANK YOU…PERO ANG NABUNOT KO MATAAS DAW PO KYA PAG NASAGOT KO UNG MGA ITATANONG NILA QUALIFIED NA DAW PO AKO SA FREE NA MAKUKUHA KO KASI PO MERON NAKALAGAY SA LIKOD NG GFTCHECK NA FREE MASSAGE CHAIR,HABANG SINASABI PO NILA UN TALAGANG LILITUHIN KA DAHIL PARA MAKA AVAIL KA NG PRODUCT NILA,TPOS PO TINANONG PO AKO KUNG 1.KUNG ANO ANG GAMIT KO NA SIM, SMART,GLOBE, SABI KO SMART. 2.KUNG MAY LANDLINE DAW PO AQ,PLDT ,GLOBE ,DESTINY, SBI KO PO PLDT, 3.KNG GUMAGAMIT DW PO KMI NG CABLE, SBI KO DESTINY, 4.KNG ANO DAW PO GAMIT KONG BANKO,BPI?,BDO,SECURITY?, SBI KO BDO,, ANG TANONG NILA VISA O MASTERCARD,SINABI KO PO MASTERCARD, PRA MAGING QUALIFIED AKO SA FREE NA BINIBIGAY NILA,,NILINLANG PO NILA AKO KINUHA UNG MASTERCARD KO ANG BUONG AKALA KO FREE UN PALA IBABAWAS NILA SA CARD KO,ANG SABI NILA UNA TITIGNAN LANG PO KNG ACTIVE PA,SO PUMAYAG PO AKO,TPOS TUMAWAG NA PO CLA SA BDO CUSTOMER SERVICE MANUAL PO ANG GINAWA NILA PROCESS PRA PA APROBIN AKO,PERO PO HINDI PO AKO SANA AAPROVE DHIL ANG TANONG LANG PO SAKIN NG BDO UNG MGA INFORMATION ABOUT DUN SA CARD,ANG LAKI PA NAMN PO NG MONTHLY KO 14,530 6MOS.PAY THE TOTAL OF 87,180. ANO PO ANG GAGAWIN KO KASI NAPAG ICIP2 KO LNG PO NUNG PAUWI AKO BKIT PINAKAUSAP SAKIN UNG BDO,PINASIGN DIN PO AKO PARA SA MONTHLY,PARANG PINILIT LANG NILA AKO BUMILI NG PRODUCT NILA,,TPOS HINATID PA PO NILA AKO HALOS LAHAT SILA NAGHATID SAKIN,PWEDE PO TAWAG KAYO SA NUMBER KO PO 9415149 PRA MAEXPLANE KO PO KNG AKO ANG MALI O SILA,CP NO. 09291823488, TINRY KO PONG IBALIK KINABUKASAN KZ WLA PO AKONG PAMBABAYAD SA GANUN KALAKING AMOUNT KHIT UNG KALAHATI AYAW PO NILANG ACCEPTIN,SANA MATULUNGAN NYO PO AKO SA MADALING PANAHON,ANG SABI PO PALA NILA NUNG IBABALIK NAMIN MAG SIGN NALANG DAW PO KMI NG COMPLAINANTS,AFTER 3DAYS BAGO IPROCESS,NANGYARI PO NUNG SUNDAY MARCH.27..

Leave a Reply

Your email address will not be published.