May Sayad, Pinapak ng Tanod sa Loob ng Brgy. Hall

SWAK SA kulungan ang isang barangay tanod makaraang halayin nito ang isang misis na may kapansanan sa pag-iisip sa loob mismo ng barangay hall matapos makisilong ang huli dahil sa baha sa Quezon City, ayon sa pulisya kamakailan.

Lumalabas sa report ng Anonas Police Station 9, kinilala ang suspect na si Jericho Bellen, 34, ng Brgy. Amihan, Project 3 sa lungsod.

Si Bellen ay inaresto base sa reklamo ng isang 74-anyos na lola na si Aling Jesusa, matapos mahuli nito sa akto ang salarin habang inaabuso ang kanyang 46-anyos na anak na babae na may kapansanan sa pag-iisip.

Base sa pagsisiyasat ni PO2 Sofia C. Caparroso, nangyari ang insidente sa mismong barangay hall ng Brgy. Amihan, Proj. 3 kamakailan, ganap na alas-8:45 ng gabi.

Sinabi ni Lola Jesusa na pagpunta niya sa natu-rang barangay, nagulat na lamang siya nang makita ang anak na si Joan na walang saplot sa katawan at pinagsasamantalahan ng suspek.

Dahil dito, agad na tumakbo papalabas ng barangay hall si lola at humingi ng saklolo kay PO2 Renato Martin at barangay tanod na malapit sa barangay hall at ipinaaresto ang salarin.

Ayon kay Jess Santos, executive officer ng barangay, nagpunta umano ang biktima sa kanilang ba-rangay matapos na makisilong nang bahain ang kanilang bahay na umabot hanggang dibdib ang taas.

Kaya naman, pansamantalang kinupkop umano ang biktima habang ang nanay nitong si Aling Jesusa ay inaasikaso ang bahay nilang binaha. Tiyempo namang pagbalik umano ni Aling Jesusa sa barangay para tawagin ang anak na kumain ay saka niya naaktuhan ang suspek habang pinagsasamantalahan ang kanyang anak dahilan para ipaaresto niya ito.

Samantala, bago pa mangyari ang insidente, nagkakaroon na rin umano sila ng problema sa salarin dahil madalas umano itong lasing at posibleng ito ang ugat para gawin nito ang nabanggit na kahalayan, dagdag ni Santos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.