May Sayad, Pinagpasa-pasahan ng 4 na Manyak

MISTULANG BOLA na pinagpasa-pasahang gahasain ng apat na kalalakihan ang isang babae na umano’y may diperensya sa pag-iisip sa Brgy. Bayubay Norte, San Vicente, Ilocos Sur.

Kinilala ni P/Sr. Inspector Manny Viaje ng San Vicente Police Station ang mga suspek na sina Rex Reyes, Lester Reyes, Richard Aaron Suyat, at Aldwin Bert Fidel, pawang residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nagkayayaan umano ang magkakaibigan na mag-inuman kasama ang biktimang si Ludy, hindi tunay na pangalan.

Nabatid na nang malasing ang mga suspek, sinamantala ng mga ito ang pagkakataon para gahasain ang biktima.

Matapos ang panghahalay, umuwi ang biktima na nagpatulong sa mga kamag-anak para idulog sa mga awtoridad ang nangyari sa kanya.

Sa ngayon, hinihintay na lang ang resulta ng medico legal examination ng biktima para maisampa ang kaukulang kaso laban sa mga suspek na nasa kostudiya na ng mga awtoridad.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.