May Sayad, Nireyp ng Lolo

INIHAHANDA NA ang kasong isasampa laban sa isang lolo sa Quezon Province matapos halayin ang isang 18-anyos na dalagita na may problema sa pag-iisip.

Kinilala ang salarin sa pangalang Renato, 60, mula sa bayan ng Mulanay.

Base sa report ng mga kinauukulan, inireklamo ng biktimang itinago sa pa-

ngalang Mari ang sa-

larin dahil sa umano’y panggagahasa sa kanya sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa sumbong ni Mari, gabi noong Abril 9 nang sapilitan siyang hubaran at halikan ng suspek.

Hinawakan din umano ang kanyang maseselang bahagi ng katawan hanggang sa ituloy ang masamang binabalak.

Dahil sa takot, agad itong nagsumbong sa kaanak maging sa mga kinauukulan.

Sa ngayon, na-nanatili sa kulungan ang salarin habang nakatakdang isailalim sa counseling ang biktima dahil sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.