May sayad, nag-amok;4 patay, 2 sugatan

DEAD ON the spot ang apat katao habang 2 pa ang sugatan matapos mag-amok ang isang lalaki na umano’y may problema sa pag-iisip sa Barangay San Pedro, Roxas, Isabela.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Franklin Moises Mabanag, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Monica Rarama Y Bilog, 58 anyos; Flora Ucol Y Edralin, 60; at ang magpinsan na kapwa 3-anyos na sina Ariane Mae Rarama at Valerie Rarama; habang sugatan naman sina Jayson Macni, 4; at Alexander Rarama, 50.

Samantalang ang suspek naman na agad ding nadakip ay nakilalang si Jomar Macni Y Santiago, 37, residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-12:30 ng gabi, kung saan masayang nagkukuwentuhan ang dalawang lola habang naglalaro naman ang dalawang bata nang bigla na lamang dumating ang suspek na si Jomar bitbit ang jungle bolo at walang sabi-sabing pinagtataga ang mga biktima.

Samantala, nasugatan si Alexander nang tangkain nitong awatin ang nagwawalang suspek habang nadamay naman ang apat na taong gulang nitong apo.

Nabatid na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek dahil ilang beses na rin umano itong dinala sa rehabilitation center upang maipagamot.

Kaugnay nito, detenido na ngayon ang suspek sa Roxas Municicpal Jail, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.