May Sayad na Ginang, Minanyak ng Kapit-bahay

SHOOT SA kulungan ang isang manyakis na lalaki matapos arestuhin ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng panggagahasa sa isang ginang na may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na nahaharap sa kasong Rape na si Joseph Oroceo, 37, ng No. 108 Estanislao St., Brgy., 34, Maypajo ng nasabing lungsod.

Sinamahan naman ng kanyang mga kaanak sa himpilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek ang biktimang itinago sa pangalan Joan, 30, ng naturang barangay.

Sa ulat ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD), Caloocan Police, dakong alas-9 ng gabi, niyaya umano ng suspek ang biktima sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep sa nasabing lugar.

Pag-akyat sa pampasahe-rong jeep, doon isinakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa sa biktima at nang makaraos ay pinauwi na ni Oroceo si Joan.

Pag-uwi sa bahay ay agad na sinabi ng biktima sa

kanyang mga kaanak ang ginawa sa kanya ng suspek na naging dahilan ng agarang pagkakadakip sa suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.