May Sayad, Hinalay ng Basurero

SWAK SA kulungan ang isang basurero matapos nitong dalawang beses gahasain ang isang ginang na may kapansanan sa pag-iisip sa loob ng bahay ng una kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Rape sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Jaime dela Cruz, 36, tubong-Davao del Norte at residente ng Deparo Raod, Caloocan City.

Sinamahan naman ng kanyang ina ang biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 38, mentally retarted, ng nasabing lugar upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Base sa ulat ng pulisya, unang naganap ang panggagahasa dakong alas-10 ng gabi kamakalawa at muling naulit bandang alas-6 kahapon ng umaga sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon kay Joan, tumungo siya sa bahay ni Dela Cruz at hanggang sa sapilitan itong gahasain nang dalawang beses.

Kinabukasan ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina dahilan ng pagkakadakip ni Dela Cruz. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.