May Sayad, Grinipuhan ng GRO

ARESTADO ANG isang guest relation officer (GRO) matapos nitong saksakin ang isang may diperensya sa pag-iisip sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Nakilala ang Salarin na si Almeda Prado, 21, habang ang biktima ay nakilala namang si Giovanni Organiza, 29.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa loob ng isang videoke bar sa Amandiego Alaminos.

Inagaw umano ng biktima ang mic kaya biglang sinaksak ng suspek na tinangka pang tumakas matapos ang krimen.

Samantala, kaagad na dinala sa ospital  ang biktima upang lapatan ng lunas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.