May Sayad, Ginahasa ni Lolo

“LAMAN-TIYAN DIN kahit may sayad”.

Ito ang naging katwiran ng isang 67-anyos na lolo sa korte nang halayin niya ang isang menor de edad na may diperensiya sa pag-iisip nang minsang sumpungin ng kamunduhan sa lalawigan ng Camarines Sur mahigit anim na taon na ang nakalilipas.

Base sa ulat, bandang alas-9 ng umaga kahapon ay inaresto ang suspek na kinilalang si Pablito Guavez, ng Zone 6, Adapon St. Barangay Balaogan sa bayan ng Bula sa bisa ng pinalabas na warrant of arrest.

Nabatid na nagpalabas ng warrant of arrest si Hon. Judge Jose Cerilla ng Camarines RTC laban sa suspek kaugnay sa umano’y ginawa nitong panggagahasa sa batang si Amor (hindi tunay na pangalan).

Napag-alaman na taong 2005 nang mangyari ang panghahalay ng lolo sa menor de edad na umano’y may diperensiya sa pag-iisip.

Sinasabing sinamantala ng lolo ang kakulangan sa pag-iisip ng bata nang hatakin niya sa isang kubling lugar ang menor de edad at doon ay pinagsamantalahan.

Matapos na mabulgar ang kanyang ginawa ay mabilis na nagtago ang suspek hanggang sa maaresto ito ng mga tauhan ng Bula PNP.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.