May sakit sa puso, nagbigti sa loob ng balon

MINABUTI PA NG isang may sakit sa puso na magbigti sa loob ng balon matapos hindi makayanan ang sakit sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Patay na nang makita ang biktimang si Samuel Toledo, 49 ng Phase 7C, Excess Lot, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng umaga, sasalok sa balon sa kanilang bakuran ang kuya ng biktima na si Rogelio nang magulat matapos makita ang kapatid na nakabigti ng nylon cord sa loob ng balon.

Agad na ipinagbigay-alam ni Rogelio ang nakita kung saan nabatid na may sakit sa puso ang biktima at minsan na itong nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paghawak sa kuryente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.