May Sakit na Kanser, Tinapos ang Sariling Buhay

PINANINIWALAAN NA dahil sa pagkakaroon ng sakit na kanser, kaya’t winakasan ng isang 35-anyos na lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paglaslas ng kanang pulso sa kanyang kamay sa Brgy. New Buswang, Kalibo, Aklan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, naliligo na sa kanyang sariling dugo ang biktima nang makita ng kanyang pamilya at wala nang buhay.

Napag-alaman na isang blade ang ginamit ng biktima sa paglalaslas dahil sa nakitang sugat sa kanyang pulso.

Malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na dahil sa matagal na nitong iniindang karamdaman at pagiging bedridden, minabuti na lamang nito na magpatiwakal para hindi na mahirapan at magtiis nang mahabang panahon.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan hinggil sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.