May reward na P7.8-M Pari, Una sa Listahan ng Most Wanted sa Negros Occidental

NO.1 MOST wanted person ang isang pari sa may lalawigan ng Negros Occidental, matapos ilabas ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines ang top 4 most wanted persons sa nasabing lugar.

Ang dating pari na si Francisco “Frank” Fernandez  na nagtatago sa aliases na Ibarra, Canor, Silio at Ago, ang bagong lider ng isang grupo ng rebelde. Mayroon siyang kasong four-counts of murder at isang attempted murder. Umaabot sa P7.8 milyon ang pataw sa ulo ng dating pari.

Si Arlo Vargas, ang pumapangalawa sa listahan na may patong sa ulo na umaabot sa P550,000 na mayroong kaso na two-counts of murder at dalawang robbery-in-band.

Pangatlo si Ronie Ampon, na may aliases na Buddy, Roy at Dalugdog na mayroong kaso ng arson. Isa na rito ang pagsunog niya sa isang reforestation project ng bayan ng Murcia.

Huli sa listahan ng most wanted persons si Noel Ayalin. Mayroon siyang kaso ng multiple murder matapos siyang magwala sa Brgy. Kapitan Ramon, kung saan siya ang Barangay Captain. Binaril niya ang ibang barangay officials habang mayroon silang session.

Parehong P500,000 ang reward sa ulo nina Ampon at Ayalin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.