May nakakayanig na pagbabago ADVERTISERS NG WOWOWEE INABISUHAN NA?! – Archie de Calma

ANO ITONG NABALITAAN naming pinulong na raw ng ABS-CBN ang ilang advertisers para sa concerns ng mga ito sa programang Wowowee? May kumakalat na chikang magkakaroon ng nakayayanig na mga pagbabago sa show kung saan main host si Willie Revillame at dapat na malaman agad ito ng matitinding advertisers na sumusuporta sa programa.

Kami ay nababahala noon pa sa kakaibang attitude ni Willie bilang host. Sinasabi niyang pinangangalagaan niya ang show kaya masyado siyang kritikal sa maraming kapalpakan sa show, na kung tutuusin, puwede namang palagpasin habang on air ang show at hindi ‘yung parang nagsesermon siya sa staff at iba pang may kinalaman sa produksiyon.

Isa pang hindi na namin na-take kaya nag-decide kaming huwag nang magpatuloy manood ng show ay ‘yun ngang sa pagta-tantrums niya, naghamon siyang magwo-walk out siya. Isang studio participant ang nag-comment on mic na, “Kung aalis ka, tapusin mo na muna sana ang show!”

Oo nga naman. Idinaan na lang ni Willie sa patawa, pero kung he knows how to read between the lines, nakasusuya na rin ang ganitong kostumbre niya na sa gitna ng pagsasaya sa Wowowee, humihirit siya ng kanyang tantrums at mga reklamo.

As a regular televiewer na kahit paano, nakukuhang mag-enjoy sa show, nag-decide na kaming huwag panoorin ang programa kahit mami-miss namin ang paborito naming si Pokwang. We might as well watch Pokie sa ibang shows niya sa ABS-CBN kaysa manood ng Wowowee na nagiging showcase na lang ng hinampo at kung anu-anong reklamo ni Willie, na ewan kung bakit hindi ito ma-settle nang sila-sila lang sa production meetings at hindi ‘yung nadadamay pati ang televiewers na wala namang pakialam sa kanilang mga kaletsehan at kapalpakan sa shows, na dahil din naman kay Willie kaya nagiging obvious.

Hindi kami nagtataka kung bakit mas malakas na ang pre-programming ng Wowowee, ang Showtime, na talagang damang-dama ang taas ng ratings dahil nagiging talk of the town ito sa kasiyahan. Very positive ang dating ng show at wala itong hosts na gumagawa ng kung anu-anong eksena para lang mapansin, kung hindi ‘yung magbigay lang ng kasiyahan sa mga manonood.

At saka ang napapansin namin, they try to come up with different gimmicks each week. Hindi man ito ‘yung klase ng show na halos namimigay na lang ng limpak-limpak na salapi. Obviously, pinapanood ito ng marami dahil nakaka-enjoy namang talaga, and you can really start the day right by watching it regularly.

Not for anything else, pero nagsusulat kami ng positibo about Showtime dahil sa loob ng dalawang buwan pa lamang na sinusubaybayan namin ito, minahal na namin ang show. At hindi kami magtataka, isang araw, sa lakas ng Showtime, baka mag-reformat ang Wowowee, o tuluyan na itong ma-dissolve at mas palakasin pa sa slot na ‘yun ang Showtime.

Aba, eh, mas nakatutuwa namang panoorin si Vhong Navarro na super-talented, huh! May kanya-kanyang segment ang hosts dito at hindi kailangang mag-agawan ng eksena. Binibigyan silang lahat ng time to shine, at hindi ‘yung paulit-ulit na lang na ‘yun at ‘yun ang ipinapakita nila, o paulit-ulit ang pagkantang ginagawa na ‘yun at ‘yun din lang ang kinakanta, eh, mabuti sana kung nakaeengganyo ang boses at talent, eh, hindi naman.

Sa totoo lang, we have the nerve to write about Wowowee, hindi lang dahil sa nagnenega kami, o pineperahan kami ng kalabang show nito. Pero, kami mismo ang nakaka-experience na sa araw-araw, gaano man kami ka-busy, we make it a point na silipin ang show na ito. Pero dahil sa mga pangyayaring nakasusuka na, mainly because of Willie Revillame’s tantrums, caprices and unnecessary voicing out his demands on air, nag-give up na kami. At kung hindi man, Eat… Bulaga! uli ang panoorin namin, maaga na lang kaming umaalis ng bahay para mag-deadline.

Next time na maghamon siya ng walk out, wala nang tse-tse-buretse. Gawin na niya, kung talagang suyang-suya na rin siya. Sa totoo lang, pinagtitiyagaan siya ng iba riyan dahil ang show ay totoo namang namimigay ng pera. Tanggalin nila ang factor na ‘yan at ewan kung may magtiyaga pa riyan, at sambahin pa si Willie, kung hindi na nagbibigay ng ganoon kalaking pera ang Wowowee sa mga masang nagdarahop.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

46 thoughts on “May nakakayanig na pagbabago ADVERTISERS NG WOWOWEE INABISUHAN NA?! – Archie de Calma

  1. orlando hayup sa ingles ah hehehe pinaglihe k siguro sa english dictionary, fan ka nga ni willie halata naman…..

  2. willie to villar: “senator, mas maganda na yung tayong nasasaktan kesa tayo ang mananakit”…….

    willie to ABS-CBN: “tanggalin nyo si sucaldito or ako ang magreresign”

  3. Bakit yung mga issue ng corruption kay villar ang sumasagot yung nanay nyang sobrang tanda na at yung anak nyang pacute hehehe ngayon nagtatago namn sa press

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? walang bayag hehehe

  4. willy is also human thats why commit a mistake for me is a good host and ok for his joke ,before he gets all his famous in hosting ,he”s done there best for it good luck for wowowie,from orly delos santos riyadh..

  5. Ang ACTION na ito ng ABS CBN ay para kay NOYNOY AQUINO talaga na kapatid ni KRIS AQUINO. Although, tumataas na ang ere ni Willie, pero nakapagpasaya pa rin siya sa mga tao. Ang SHOWTIME ay bago pa, wait and see di ba at mag sasawa din ang mga tao. PULITIKA ang nasa likod nito!!!!!!!!!!!!!!

  6. People are sick and tired of willie’s behavior, ABS/CBN Execs need to re-evaluate Wowowee program, the host is obnoxious, nag-tatantrums, nag-sosorry but he does over and over again. he belittles contestants, co-hosts, guests whichis uncalled for. Take away the MONEy factor, nobody will watch the show. ABS/CBN, please teach wille revillame a lesson, it seems na nakalimutan na niya ang pinanggalingan niya!!!!!!!!!!

  7. agree ako sa write up na to about WOWOWEE. hindi lang pala ako nakakapansin ng mga tantrums ni willie, marami din pala. naikwento nga ng nanay ko yang walkout walkout daw ni willie pero di tinuloy, ano bang feeling nya? hari sya ng show? samantalang sinasabi nya parati, “KAYO AN G TUNAY NA BIDA NG WOWOWEE” eh sya itong pabida?

    may point ka dun sa bakit ang mga audience ang magsusuffer sa mga katarantaduhan sa ere nitong si willie. hindi nya lang ito minsan ginawa, marami ng beses. hindi ako magtataka kung bakit nagsawa na si Jeoy De Leon kakalait dyan kay willie. kasi siguro sabi ni Joey sayang ang oras nya. in fairness to Joey, sabi nya nanunuod daw sya minsan ng Showtime at natutuwa kay Vice Ganda sa mga comment at hirit nito.

    bakit ba hindi na lang ipalit ang showtime as afternoon show ng ABS? dagdagan na lang ng konting pakulo for sure hit na hit ito sa tanghali.

    sawang sawa na kami kay Willie, sana palitan na sya. tutal gusto nya naman yata eh. tignan lang natin kung di na naman maghikahos yang ungas na yan.

    kapag nasa taas na kasi sya akala nya na kugn sino sya, eh kung bumagsak naman magaamuamuhan na parang maamong tupa. PWE! sorry pero galit talaga ako sa taong yan

  8. sa totoo lang agree ako dito…abs-cbn made a monster out of willie…feeling kasi ni willie sikat talaga siya may following eh dahil lang naman sa pera na pinamimigay ng show kaya maraming taong nagkakanda-ugaga…actually, ginamit din lang naman ng show ang kahirapan ng mga tao which is really a very sad reality…sana nga pahabain na lang ang airtime ng showtime kasi talagang nakaka-aliw..

  9. basta snbotathe ng abs cbn kc c manny villar manok ni willy at hndi lng yan may isang young singer actress ay snbotahe nila dhil knuha cya ni villar . gnon lng. kya mga ad vertiement co. hwag na kyo mg papasok sa abs cbn dhil dirty tatics gngawa nila. mksrili at kumkuha cla ng big star sa kapuso ay hndi nmn snabotahe.

  10. eh kung di bA naman sa hirap ng buhay eh kaya maraming nagtyatyaga ..nagtitiis kahit bastusin, paglaruin, lokohin,okrayin, dayain eh okay lang sa mga mahihirap basta abutan mo lang ng P500 ok na yan…yang beerhaus show na yan sa tanghali eh dapat alisin at yung mayabang, antipatikong host na saksakan ng kamanyakan eh sibakin na yan…..sa mga tangahanga ng show na yan eh tiisin nyo na lang tingin ko naman uto-uto kayong lahat

  11. i hope willie and his believers should read the comments here, we are from all walks of life, and I noticed ang dami na talagang galit at inis na inis sa kaniya. antipatiko na kasi si willie and his money has gone to his head. paging ABS, alisin niyo na lang si willie, kakasawa ang pagka bastos niya. lalo na sa mga contestants na kababayan natin, kung laitin niya and physical and pananalita nila. pati english pinaglalaruan!

  12. sibakin na yan si willie. tignan niyo yung anak niyang si meryl, sinibak lang din ni palanca tapos iniwanan din.

    ikaw GMA POKPOK stars napakatanga mong tao, yan ba basehan mo ng accomplishment yung pag yaman??? may mag taong sobrang yaman pero di MAYABANG. kung idol mo si willie eh himudin mo pwet niya baka bigyan ka rin ng yaman niya….. shet!!!

  13. akal ko nga rin magbabago si willie eh. kaso iba daw talaga sya sa set ng wowowee. syempre maraming kapit na si papi. kaya ganyan sya umasta. hay. darating din ang karma sayo, sa harapang pandaraya mo, pambabastos.

  14. for a while akala ko magbabago pa si willie. isa siyang ehemplo na nakabago sa isang tao ang pera. sana ginamit nya ang pera nya sa mas nakakabuting paraan. di talaga maiiwasan na tumaas lalo ang self esteem nya dahil sa pera at popularidad nya. dati pinagtatanggol ko pa siya but i guess now he really has gone over the line. hindi na nakakatawa ang panlalait nya sa ibang tao. kahit na dinadaan niya sa joke hindi na nakakatawa. kung nakakasakit ka na ng damdamin ng ibang tao tulad ng ginawa nya kay sharon di na talaga excused dahil na rin si sharon nandyan para sa kanya when he was at his lowest tapos yung pagpapasakay lang sa yate nya parang nabiro pa siya sa weight nya? insensitive na masyado si willie. i guess when people starts turning their backs on him, then dun lang nya malalaman na he is just a piece of “sh_t” na nabihisan at nagkaroon ng pera. money and all the material things that he has will just vanish in one instant pero ang mga kaibigan nandyan lang yan. i guess it is about time to let him go.

  15. uuhhhmm ..nakakasawa na nga yan si willie … at nakakaasar pa pag may naka-suot ng orange sasabihin sipag at tiyaga o mag-paparinig na ikinakandidato niya si villar .. hhhmmm ..nakakaasar talaga ..

  16. yap ! I agree ! nakaka bwiset nrin si willie kung minsan… dameng napapansing mali… perfectionists masyado…

    kya kung magrereformat ang wowowee nxt year… magdagdag ng isa pang host na pedeng pamalit kay willie o dikaya ay tuluyan nang tigukin yan si willie..

  17. tanggalin mo ang sobrang laki ng prize money sa wowowee, tignan natin kung gugustuhin pang panoorin. nakakasawa na. lalu na dito sa TFC kasi may replays pa all day kaya buti na lang may GMA Pinoy TV na para may choice while Wowowee is airing. pansinin nyo ang attention na binibigay sa matatanda, pag taga abroad ok bigyan ng jacket, pero pag nalamang local lang, parang gustong bawiin ang jacket. grabe, sana nga matauhan na ang ABS na hindi dapat ng palitan ang format at main host ng show. look at banana split, nung binago mas nag click….

  18. maganda ang showtime, maganda siguro kung so pokwang ang ipalit. okey naman si bong navarro. parang hindi bagay kay kuya kim ang show na ito. bwisit lang ako kay anne curtis, na palaging nagpapa cute at nakakabingi ang boses nya na di naman dapat ipagsigawan. irritating ang boses nya sa totoo lang.

  19. i never liked willie. di ko ma gets ang mga taga TFC na tuwang-tuwa sa kanya! ang sense of humor nya, pang kanto boy!! nabubwisit kami everytime we see this guy’s face on TV!

    HE IS NOT DESERVING OF HIS MILLIONS! hoy willie, you won’t get away from karma. Kung nakalusot ka sa mga sexual harrasmment cases mo, pwede sa batas ng karma, wala kang kawala!

    can’t wait to see your downfall!!

  20. tama ka naman talaga sa iyong mga puna, akala ni Willie sya lang ang pinupunta ng mga manonood sa Wowowee bat di nya subukang mag game lang at di mamudmod ng pera sa tingin mo ba dudumugin pa yan…sa sobrang yabang kahit na wala na lang ginawa kundi mag sermon parang siya perfecto…nariyang sasabihin na pasisikatin nya ang mga dancers…wag mo nang ipagyabang kung pasisikatin mo wag mo ng sabihin…LAGING IKAW ANG SUBJECT MO…pag gusto mo namang mambola sasabihin mo naman KAYO ang buhay ng programa…MANGGAGAMIT!

  21. Switched talaga to another channel kami after Showtime. Dry na masyado ang Wowowee compared…kahit ibahin pa ang format ng Wowowee kung si Willie pa rin…boring pa rin…I don’t think na may ibubuga pa ang show niya…parang nawalan ng hangin…hindi na entertaining. I thnk Showtime should replace Wowowee. Wowowee has overstayed its welcome. The audience are already looking like zombies…hindi na masaya or kung masaya man pilit.

  22. Kung entertainment din lang magaling maghost si Pokwang, si Vice Ganda at si Pooh bakit hindi na lang sila ang ilagay. Wag na iyong mayabang na feeling Diyos…hello!

    Hindi ako kawalan sa hindi pag nood ng Wowowee kaya lang habang suportado si Willie ng ABS at ng mga advertisers hindi magbabago ang ugali niyan. Sayang lang kasi nanggaling na siya sa wala pero imbes na ayusin niya buhay niya inakyat niya sa ulo niya ang fame and fortune niya. Nawawala pareho iyan pero ang mga taong tunay na tutulong sa iyo anuman ang mangyari iyon ang nakakatakot mawala.

  23. Hindi ko maintindihan ang mga followers ng Wowowee sa totoo lang kasi napaka-sarcastic ng humor ni Willie, mayabang pa at masyadong domimeering so I am not entertained by his hosting style. Lalo namang hindi ko maintindihan kung tunay ba siyang admirable, 2x annulled with compliant of infidelity, he was suspended several times bec. of his attitude and moral issue.

    At higit sa lahat, ang lakas ng guts niya to embarass Sharon on cam on his remarks about the alleged infidelity issue of Sen. Kiko which in the first place was never proved despite the reward offered by Sharon, e siya kaya he had sexual harassment case filed by Editor in chief Salve Asis apart from the grounds filed by his former spouses for the annullment case. Maraming immoral issue about him and yet so many patronized him, he was just actually using his contestants, their being poor, their inferiority as emotional tactic to win his audience OA na nga minsan e kahit hindi na nakakiyak pipilitin niya ilabas ang drama. I feel pity for some of the contestants sa manipulation niya na ginagawa niya.

    I am not for EB, I just don’t want Willie as host. Please lang naman sa mga advertisers, hindi pa ba obvious ang ginagawa ni Willie that you continue to support his show dapat banned na iyan e para mapalitan na siya.

    • wag na tama na ung mga nandon sa showtime…dey can prove nmn na kaya nila…kung ida2gdag pa c pokwang don…baka mwala na ang magic na hawak nila…
      stay nlng cla sa mga host at judge don..kaya nmn nilang mkipagsabayan ng cla2 lng…wala sa mga host yan…(oo at ksama cla) but it is in d concept of d show…pagnasapol ang pulso ng masa…pa2tok at pa2tok ito.

  24. True kayo dyan! boring na ang WOwowie nakakasawa yung kanta ni willie 1 taon ng kinakanta s wowowie…Showtime na lang ang gawing variety at tanggalin n ang Wowowie walang kwentang tao c Willie.walang care yan s mahihirap plastic mapagkunwari kaya maraming tao galit at ayaw s kanya…………..

  25. Hay naku true mabuti pang tanggalin na s ere yang Wowowie boring na super kadramahan lang wala na yung saya hindi katulad nung simula…

    Saka bakit ganun hindi nman cla nagbibigay ng bonggang bongga s Wowowie lahat ata ng pera binubulsa ni Willie hindi katulad s EB super pamigay ng pera everyday!!!!!!!!!!!!

  26. Totoo yan sobrang laki ng ulo ni Willie kala mo cya me ari ng abs..Hindi na RIN KAMI NANOOD ng Wowowie Eat BulagA na uli kami kasi variety show talaga saka maraming segment na mapapanood di katulad ng WOwoie puro drama ni Willie

    Saka hindi nman cya nakakatawa mga palkpak ang joke ni Willie wlang kuwenta akala mo kung cno magaling na comedyante eh simlpeng mga jokes lang super corny na yung dating daig pa cya magjoke ni Dolphy kahit lolo na..

  27. akala ni Willie kaya nya ang Eat Bulaga, one year pa lang ang yabang na nya.

    Ngayun panu na sya pag tawanan na lang sya ni Joey de Leon.

    Isang option sa Tv 5 na lang sya

    • anong pagtawanan ni joey ang pinagsasabi mo? nakita mo na ba ang accomplishment ni willie, ilang years pa lang ang wowowee pero mas mayaman na sya higit kay tandang joey! hindi lang panalo ang wowowee nationwide panalong panalo pa abroad via TFC kaya nga pabalik-balik na lang sila for shows abroad!

      although i agree na sumusobra na minsan si willie kaya medyo bumaba ang ratings nang wowowee. first yong cory aquino burial and ang pag sanib nya kay manny villar. before kasi sabi nya neutral ang show nya sa politicians pero ngayon obviously may pinapanigan na sya.

      • accomplishment???nakakapagtaka naman ilang years lang ang yaman na?mayaman din si joey at vic pero sila hindi sila ubod ng yabang para ipangalandakan ang yaman nila instead nagpapaaral sila ng desrving na bata without publicity stunt,eh mayabang nga kasi akala mo kung sino diyos!

  28. Willie yabang, alis jan, nakakasawa na ang pagkanta kanta mo na wala ka naman talagang boses. Kahit nga enjoy ako kay Pokwang, tama ka Archie, ibang programa na lang ni Pokwang ang panoorin ko, kaysa makita ko lagi ang mayabang na willie na iyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.